May 22, 2025
‘Distance’ director reflects on family issues
Latest Articles

‘Distance’ director reflects on family issues

Aug 7, 2018

Unang pagkabasa pa lang ni direk Perci Intalan ng script ni Keavy Eunice Vicente, na-in love na agad siya rito kaya naman ito ang next project niya na gusto niyang idirek.

Ayon pa sa film producer ng IdeaFirst Company, relatable ang kuwento ng Cinemalaya entry na “Distance” na pinagbibidahan nina Iza Calzado, Nonie Buencamino at Therese Malvar.

received_235229837329832

“Nakaka-relate ako rito dahil sa fact na it’s a story about the family, a story about forgiveness at saka di naman secret iyong may LGBT angle siya so nakaka-relate ako roon.

“The fact na meron kang secret sa pamilya na hindi mo masabi, I think, iyon iyong element. More than that, iyong emotions ng characters, doon ako nakaka-connect.

“At the end of the day, iyong nagmahal, nasaktan, nakasakit ng ibang tao. Lahat naman tayo naranasan natin siya at one point in our life,” paliwanag ni direk Perci.

Masasabi rin daw na isang journey ang pelikula dahil habang pinapanood ay magiging saksi ang lahat sa buhay na pinagdaanan ni Liza, ang character na ginagampanan ni Iza Calzado.

fb_img_1533637203820

“Central sa kuwento ang karakter ni Liza played by Iza. Iyong character ni Iza ang sinusundan natin, siya iyong iintindihin natin, at unti-unti malalaman natin kung bakit hindi siya mapatawad ng kanyang pamilya,” sey niya.

May LGBT angle rin sa pelikula dahil iniwan ni Iza ang kanyang pamilya para makasama ang kanyang lover na ginagampanan ni Maxene Eigenmann.

Bukod pa riyan, si Therese Malvar naman na binibigyang-buhay ang papel ng anak ni Iza ay unti-unting namumulat sa kanyang sekswalidad.

Hindi rin daw tungkol sa isyu ng pag-come out ang tinatalakay sa pelikula, bagamat ito ay naging problema pagdating sa pag-intindi ng mga relasyon.

“Siguro, lahat naman ng nag-come out merong struggle. Pero, iba iyong sitwasyon dito. Siya iyong may asawa at anak. Iba iyong ikaw ang anak. Iba iyong sa magulang at kapatid ka magka-come out. It’s kinda different pero similar.

“I think, nakaka-relate ako sa ideya na merong kang hindi masabi. Lahat naman tayo at one point in our life, sa pamilya natin, may feeling ka na hindi ka maintindihan, may feeling ka na hindi mo masabi sa kanila kung anuman iyon, kaya ako nakaka-relate kay Iza kasi halos lahat naman ganoon ang dinanas,” aniya.

“Honestly, more than often than not, I think makikita mo iyon sa pelikula, mas malalim iyong takot mo kaysa sa totoong mangyayari.

“Sadly, sometimes, iyong kinatatakutan ng isang taong mag-come out, nangyayari talaga minsan like na-disown siya, hindi siya tinanggap pero kadalasan it just takes a bit of time para tanggapin pa rin sila.

“Diyos ko, iyong iba nga nakapatay na ng tao, pinapatawad pa rin. Ang maganda lang sa Filipino family, nananaig pa rin sa atin iyong pamilya ko iyan, mahal ko iyan.

“Ganoon tayo bilang Pilipino. Kahit ano pang kasalanan ng tao sa atin, pamilya pa rin iyan. Ganoon ang attitude natin,” dugtong niya.

received_297127841041303

Aminado rin siya na noong panahong nagbibinata siya ay nagkaroon din siya ng struggle sa pag-come out pero hindi raw naging isyu ito sa kanyang mga magulang na tinanggap siya at niyakap maging ang desisyon niyang magpakasal sa kanyang long time partner na si Direk Jun Lana.

“Ako, by that time naman, out na ako sa kanila. Kilala naman nila si Jun. 10 years na rin kami noon ni Jun. Hindi naman siya big deal noong magpakasal kami. Siguro, ang nangyari lang, iyong nag-alala lang sila.

“Nakita lang nila iyong comments at reaksyon ng mga tao sa social media, doon sila nag-alala. Pero ako na rin ang nagpaliwanag na kanila na huwag nilang pansinin iyon. Other than natakot sila, okey naman sila,” paliwanag niya.

As a couple, importante rin daw na open ang communication nila ni Jun bilang mag-asawa.

“Hindi naman nawawala sa isang couple na magkaroon ng tampuhan o di pagkakaunawaan. Kami lang ni Jun, we make it a point na bago pa man lumala, pinag-uusapan namin ang lahat,” pagwawakas niya.

fb_img_1533637151984

Ang “Distance” na opisyal na kalahok sa full-length feature category ng 14th Cinemalaya Indepandent Film Festival ay palabas pa sa mga piling CCP venues at Ayala Mall Cinemas hanggang Agosto 12.

Leave a comment