
DJ Tom Taus shares his happiness to be back in the mainstream TV
by John Fontanilla
Balik Pilipinas ang magkapatid na Tom Taus at Antonette Taus at sa kanilang pagbabalik ay balak daw ng mga ito na mas manatili ng matagal sa bansa.
At hangga’t may trabaho daw sa bansa ay walang rason para bumalik muli ng Amerika ang actor/DJ na si Tom Taus na kasama sa ini-launch na show ng TV5 kamakailan ang “Move It : Clash of the Street Dancers” kasama si Jasmine Curtis-Smith na mapapanood every Sunday night.
Kuwento nga ni Tom na, “I came back together with my sister because TV5 International made a documentary of us c at ang mga taong nakatrabaho nito noon.
“The truth is that I really miss working again here in the Philippines .
“It’s been 15 years already since we decided to live in America.
“That’s why it’s so nice seeing familiar faces again. Working with them again soon.
Tom’s encounter again with the press people, “Kilala ko pa rin ang mga reporters na nag-interview sa akin noong panahon ng movie kong “Cedie” and I still remember their names.
“I may have been gone for 15 years, but my heart still has a soft spot for the Philippines.
“I was born in Angeles City, Pampanga. Kaya Pinoy ako.
“I was raised Pinoy kaya kahit saan ako, I am proud to say that I am Pinoy.
“That’s why I cherish all the wonderful times I had when I was still here as a child star.
“I know that one day I will be back and relive all that.
“I guess, prayers answered and I will be here for a long time because of TV5. Sana mas marami pa akong trabahong gawin sa kanila.
At hindi naman daw itinatago ni Tom na ang pagiging DJ sa Amerika ang naging bread and butter nito at nais nga daw nitong ipakita ang kanyang kagalingan dito sa kanyang mga kababayang Pinoy.
“I’ve been deejaying in different places in the country. Exciting because I get to travel the country all the time.
“Whenever there’s a club opening, a fiesta or a company party, I love hosting ang deejaying.
“Iba ang energy ng mga Pinoy talaga ha ha ha. Electrifying kumbaga ha ha ha…
“Siguro ganun talaga tayong mga Pinoy, once we enjoy, grabeng energy talaga yung pinapakita natin.
“Hopefully sana ma enjoy di ng mga kapwa natin Pinoy yung talent na gusto ko ipakita. ” ani Tom.
Follow me…