
Dominic Ochoa always looks forward to challenges of his roles
Huling napanood at nagbida si Dominic Ochoa sa Kapamilya teleseryeng “Super D” ng Dreamscape Entertainment.
Masaya siya dahil natupad ang pangarap niyang makaganap ng super serye kahit sa nasabing teleserye.
Isang pangarap na naman niya ang matutupad dahil makakatrabaho niya ang magaling at award-winning director na si Erik Matti.
“Nasa bucket list ko talaga na gusto ko siyang makatrabaho. Kasama dapat ako sa sa “Honor Thy Father” , kaso hindi siya natuloy dahil nagbago sila ng cast at nag-iba ng iskrip pero ngayon, matutupad na rin iyong pangarap ko na makasama at maidirek niya sa OTJ: The Series”, kuwento ni Dominic.
Pivotal ang role niya sa OTJ: The Series kaya ipinagmamalaki niya ito.
“I play Governor Eusebio. Nasa puso niya ang pagiging pulitiko, ang pagtulong sa kapwa pero hindi maiiwasan na masangkot siya sa kumplikasyon dahil he comes from a political dynasty, kasi ang tatay niya, ang kapatid niya at ilang miyembro ng pamilya ay mga pulitiko. So, hindi maiiwasan na maapektuhan siya ng mga pangyayari dahil siya iyong nagtatago ng sikreto at susi doon sa nawawalang walong journalists na minasaker,” paglalarawan niya sa kanyang role.
Bagong karakter daw ang ginagampanan niya na wala sa orihinal na kuwento ng crime thriller na OTJ: The Movie na si Direk Erik Matti rin ang nagdirek.
“Gray iyong character niya, pero may human side. Totoong tao at sabi nga ni Direk, inspired siya sa true events na siyang selling point ng kuwento”, aniya.
Iba rin ang hamon sa kanya ng role niya bilang General Eusebio.
“Ngayon pa lang, pinaghahandaan ko na siya. Somehing na ang hirap pag-isipan pero hindi mo tatanggihang gawin. Iyong tipong lagi kang excited dahil every time nacha-challenge ka dahil ikaw mismo ay hindi mo alam ang magiging journey ng iyong character. Iyong every taping ay may panibago kang excitement. Iyong nacha-challenged ak dahil nai-intrigue ka sa kuwento at sa karakter mo. Pag kasi naging relaxed ka na, iyon ang pagkakataong nilalalaro mo na lang iyong role dahil kampante ka na kaya nababawasan ang challenge”, paliwanag niya.
Dagdag pa ni Dominic, relevant daw ang kuwento ng OTJ:The Series para sa bagong format bilang online series.
“Hindi siya iyong eksaktong nangyayari pero nation nga na may ganitong pangyayari sa atin, so relevant at timely din ang tema niya, although mas nakapokus ang kuwento ntio sa korapsyon sa media”, pagwawakas niya.
Maliban sa OTJ:The Series, nakatakda na ring mapanood si Dominic sa teleseryeng “Ikaw Lang ang Iibigin” , ang balik-tambalan nina Kim Chiu at Gerald Anderson.