May 24, 2025
Dominic Roco says winning an award doesn’t guarantee anyone a job
Latest Articles

Dominic Roco says winning an award doesn’t guarantee anyone a job

Feb 8, 2017

Nanalo ng best actor award si Dominic Roco sa kanyang makabuluhang pagganap bilang isang call center agent na may pinagdadaanan sa buhay sa pelikulang “Sleepless” ni Prime Cruz na naging kalahok  sa 2015 QCinema International Film Festival.

Pero ayon sa actor, hindi naging garantiya ang pagkapanalo niya upang madagdagan ang kanyang trabaho.

“Winning an award now is not a guarantee to have jobs. Ako, I’m talking based on what I experienced. I won an award and yet I did not have a regular show,” aniya.

Hindi naman ikinaila ni Dominic na minsan ay na-depress siya sa takbo ng kanyang career.

“I felt bad about it because I thought they’re gonna put premium on it, but it does not work that way anymore. So, it’s not as prestigious as before,” sey niya.

Gayunpaman, nagpapasalamat si Dominic na nabibigyan siya ng trabaho ng mga taong nagtitiwala sa kanyang kakayahan tulad ng Articulo Uno at TBA Films na siyang producer ng pelikulang “I’m Drunk I Love You” kung saan ang role niya ay kapangalan ng isang singer.

“I play the role of Jason Dy. Siya iyong gay best friend ni Maja. It’s my second time to do gay roles. My first was in “Madaling Araw, Mahabang Gabi” with Angelica Panganiban,” kuwento niya.

dom-and-maja

Enjoy siya sa gay role dahil binigyan niya ito ng kakaibang atake.

“Hindi siya iyong tipong screaming faggot. Siya iyong tipong shoulder to cry on ng kanyang bes. Iyong tipong nagre-remind sa kanyang friend ng kanyang mga kagagahan kung nagkakamali siya,” ani Dominic.

Ayon pa kay Dominic, mas enjoy siya sa paggawa ng indie kesa teleserye.

“Kapag kasi sa TV, formula siya. Calculated lahat. You could only do so much. Sa movie lalo na sa indie, you could do what you want. I just want to act and want to explore more and I find that satisfaction in doing movies,” pahayag niya.

Tungkol naman sa kanyang kakambal, napakalaki raw ng respeto at paghanga niya rito.

“For me, idol ko si Felix. What I can do, he can do better. He’ll do anything. May mga bagay namang he can do, but I can do better,” pagbubunyag niya.

Gusto rin ni Dominic na makasama sa isang proyekto ang kanyang ama at kakambal.

Nakasama na niya sa Cinemalaya movie na “Ang Nawawala” si Felix pero never pa raw niyang nakakatrabaho ang amang si Bembol sa pelikula.

“I would like to remake “Maynila: Sa Mga Kuko ng Liwanag”. If that happens, I want to work with my brother and my Dad,” pagtatapos niya.

Huling napanood si Dominic sa GMA teleseryeng “Juan Happy Love Story.”

Leave a comment