May 23, 2025
Donate and win a Janine Gutierrez’s pre-loved LV wallet
Latest Articles

Donate and win a Janine Gutierrez’s pre-loved LV wallet

Apr 21, 2020

Muling binalikan ni Janine Gutierrez sa kanyang pinakahuling vlog ang kanyang New York Fashion Week 2020 experience. 

Halatang nag-enjoy ang Kapuso actress sa kanyang biyahe na kanyang ibinahagi sa netizens.

Ilan sa mga ito ay ang kanyang private session with celebrity hair stylist Justine Marjan na nakatrabaho na ang iba’t ibang international personalities, kabilang na sina Ariana Grande at Kim Kardashian. 

Nakita rin nang personal ni Janine ang fashion icon na si Anna Wintour.

Sa parehong vlog, ibinahagi rin ni Janine sa kanyang subscribers ang kanyang fundraising initiative, ang The Bright Side Project.

Ang mga donasyong makakalap ni Janine ay ibabahagi sa frontliners at mga nangangailangang komunidad.

May pagkakataon ding manalo ang one lucky donor ng kanyang pre-loved Louis Vuitton wallet.

Kung nais mag-donate, magpunta lamang sa link na ito, https://gogetfunding.com/brightside

Leave a comment