May 24, 2025
“We don’t break tie in PASADO Awards.” — PAMPELIKULANG SAMAHAN NG MGA DALUBGURO
Latest Articles

“We don’t break tie in PASADO Awards.” — PAMPELIKULANG SAMAHAN NG MGA DALUBGURO

Mar 13, 2015

Ruben Marasigan
By Ruben Marasigan

Nitong Miyerkules, March 11, isang press conference ang ipinatawag ng PAMPELIKULANG SAMAHAN NG MGA DALUBGURO. Ito ay para sa kanilang 17th GAWAD PASADO Awards na idaraos sa April 11 sa auditorium ng San Sebastian College – Manila na siyang host school ng nasabing awards night for this year.

Pasado 2 copy

 

Pinangunahan ito ng taga-pangulo at pangalawang tagapangulo ng Lupong Tagapag-Ingat ng nasabing samahan ng mga dalubhasang guro, na sina Dr. Emmanuel S. Gozales at Prof. Arthur Pizarro na parehong nagtuturo sa Far Eastern University – Manila.

“Actually it starts with a national conference and seminars for teachers,” simulang pagbibigay-background ni Professor Pizarro hinggil sa PASADO Awards.

“We gather the teachers all over the country to come together, discuss issues about teaching, talk about film, at paano pa mas maging progressive sa propesyon na ito.
“Kinu-contact namin ang mga producers. ‘Yong mga napipili naming pelikula, ipinalalabas namin sa aming national seminar.”

Pasado copyPahayag naman ni Dr. Gonzales… “Kapag pumili kami ng film, talagang nando’n dapat sa pelikula ang values at Philippine culture.

“Tapos gagawa kami ng teaching workshop kung paano gagamitin ang aming napipiling pelikula as kagamitan sa pagtuturo.

“And the after that, we come together to an awards night which is actually the PASADO Awards.”

Pagdidiin naman ni Prof. Pizarro… “The process actually of choosing the winners is actually bloody. Hindi namin ito inuupuan ng isang beses tapos nag-a-agree na lang kami na… winner na ‘yan!

“Nag-uumpisa siya sa ibaba… sa mga members. Magkakaroon sila ng nominations.

“That is year round. Year round ‘yong nominations.

“Papasok iyon sa amin. Hanggang darating ‘yong December… hihintayin pa namin ‘yong Metro Manila Film Festival.

“Tapos aantayin din namin ‘yong official list na galing sa MTRCB. Because lahat ng films na niri-review namin should be approved by MTRCB for commercial viewing.

“So iyon ang basis namin. At pagkatapos ng nomination, uupo ‘yong officers para i-trim down ‘yong mga nominated na films.

“And then from the nominated films, we will go down to the different categories… the technical and acting.

“After that, there will be another deliberation again from the officers. And then, doon na papasok ‘yong numbers game… doon na ‘yong voting.

“Every year ang laging itinatanong sa amin… laging nagkakaroon ng tie. Because wala kaming specific na rule na if there is a tie, kailangang i-break.

“Nagkakaroon ng tie kasi malaki ang posibilidad na magkakaroon ng tie because it’s just numbers game.

“Now, after the voting the members of the Board Of Trustees will sit down. They will discuss and decide kung ibi-break ang tie o hindi.

“Kapag napagkasunduan ng lahat na hindi na ibi-break ang tie, that is the reason why nagkakaroon ng tie na dalawa o tatlong winners.”

Karagdagang paliwanag pa ni Dr. Gonzales… “’Yong pattern kasi ng pagpili ng winners, very academe.

“At parang it is a part of graduation namin. Pagkatapos ng aming national conference at seminar… iyon na aming pinaka-graduation.

“Di ba sa graduation maraming guma-graduate na cum laude. It doesn’t necessary na isa lang ang summa cumlaude o magna-cumlaude.

“Hangga’t sila ay na-qualify do’n sa sinet na grades. Kaya makikita ninyo, hindi pupuwedeng i-break din ‘yong tie.

“Kaya sa PASADO Awards, hindi namin bini-break ‘yong tie.”

Unang beses na nangyari na sa isang award giving body ay may isang winner na ang ka-tie ay sarili lang niya. At labis ngang ikinaiintriga ngayon ng marami kung bakit si Nora Aunor for Hustisya at si Nora Aunor pa rin para naman sa Dementia ang magka-tie for best actress.

“’Yong ibang actresses like Aiko (Melendez na nomindo rin for best actress sa Asintado) and Angelica Panganiban (nominated din for That Thing Called Tadhana) actually came in very close na few points lang ang difference behind Nora Aunor,” sabi ni Prof. Pizarro.

“Nagkataon lang talaga na when we tallied the votes, tie talaga ‘yong boto ni Nora for Hustisya and for Dementia.

“So we have to sitdown and we have to discuss all over again if we would break the tie or not at all. And then napagkasunduan na kung kumbaga e magna-cum laude ang dalawa (Nora For Hustisya and Nora for Dementia) e di magnacumlaude silang dalawa.

“Gano’n din naman sa academe. Puwede hanggang sampung summa cum laude as long as they meet the requirements for a particular honor.

“So iyon ang basis na ginamit namin. Kaya nagkakaroon nga ng tie.”

Ikaapat nang Best Actress award ni Nora sa PASADO Awards ‘yong igagawad sa kanya for this year. Her very first ay sa Naglalayag, sinundan ng sa Thy Womb noong 2013, at sa Ang Kuwento Ni Mabuti last year.

Isang panalo na lang at maluluklok na siya sa Hall Of Fame nito. Same with Jaclyn Jose na nakaapat na panalo na rin sa PASADO Awards bilang Best Supporting Actress.
May grupong nag-break away sa kanila. At ang mga ito ang nasa likod ngayon ng Gawad Tanglaw na nauna nang namigay ng awards sa taong ito.

May reaksiyon ba sila sa kini-claim ng mga ito na mas may credibility ang Gawad Tanglaw kesa sa GAWAD PASADO?

Reaksiyon ni Prof. Pizarro… “We donot show credibility on the basis of our personal beliefs alone. But on the basis of how much we have exerted by going through words of proclaiming the winners.”

Dugtong pa ni Dr. Gozales… “At saka kasama sila sa bumuo nito. We still recognize them at isinasama sa history kung paano nabuo ang PASADO.

“Siyempre, minsan merong mga hindi pagkakaunawaan.”

May mga bashers na rin ngayon laban sa kanila na nasa likod ng PASADO AWARDS. Merong mga negatibong naipu-post sa social media gaya ng… bakit hindi na lang daw sila mag-focus sa pagtuturo para mas mapaganda pa ang kalidad ng edukasyon para sa kanilang mga estudyante kesa mamigay ng awards.

“This is a knowledge sharing,” reaksiyon ni Prof. Pizarro.

“Itong pagbibigay namin ng awards sa PASADO, dugtong lang ito sa pagtuturo namin. Dahil in the first place, nag-i-screen kami ng pelikula… ang pinaka-main objective namin is para nga gamitin ang pelikula bilang kagamitan sa pagtuturo.

“Hindi kami nagga-gather together para lang magbigay ng award. We gather ourselves para piliin ang mga pelikulang gagamitin namin for teaching.”

Katwiran naman ni Dr. Gonzales… “’Yong awarding parang… to say thank you lang do’n sa mga bumuo ng pelikula na nagagamit namin.

“At saka nowadays ang mga kabataan, mas gusto nilang napapanood nila ang kanilang ikinatututo. At ang pelikula ay ginagamit naming sining na biswal sa pagtuturo lalo na sa araling panglipunan at marami pang iba.”

Pahabol na pahayag pa ni Prof. Pizarro sa mga nagpupukol ng mga negatibong puna laban sa kanila…. “They can never understand us until they get into the classroom and teach. Ang pinanghahawakan po kasi namin is… the moment you’re there inside the classroom, ang daming considerations na gagawin ‘yong teacher, e.

“If you notice, ang mga estudyante ngayon… the classroom atmosphere is extremely visual.

“So hindi na masyadong nagwu-work ngayon na ang teacher ay nakaupo at nagsasalita… kinu-consume ang isang oras na nagli-lecture lang.

“Students would look for something to see, something to analyze, something to make them feel entertained.

“Kaya nga na-feel namin ‘yong necessity at ‘yong importansiya ng pelikula sa loob ng classroom.”

Para sa impormasyon ng lahat, narito rin ang listahan ng mga oisyales nito for the year 2015 – 2016.

LUPONG TAGAPAG-INGAT:
Tagapangulo: Dr. Emmanuel S. Gonzales (Far Eastern University – Manila)
Pangalawang Tagapangulo: Prof. Arthur P. Pizarro (Far Easter University – Manila)
Kalihim: Dr. Maria Elma B. Cordero (The National Teacher’s College)
Mga Kasapi: Prof. Maria Clara B. San Pedro (La Consolacion College – Caloocan)
Prof. Lourdes L. Bertis (University Of Asia And The Pacific)
Prof. Ernesto M. Buenaventura (Pamantasan Ng Lungsod Ng
Maynila)

Pamunuan:
Pangulo: Prof. Clara G. San Pedro (La Consolacion College – Caloocan)
Pangalawang Pangulo: Prof. Ernesto M. Buenaventura (Pamantasan Ng
Lungsod Ng Maynila)
Kalihim: Prof. Percival M. Salice (Far Eastern University – Makati)
Ingat-Yaman: Prof. Lourdes L. Bertis (University Of Asia And The Pacific)
Tagasuri: Prof. Romeo S. Egot (Division Of City School – Caloocan City)
Tagabando: Prof. Mayla B. Atienza (san Sebastian College – Manila)
Film Reviewer: D. Lakadupil C. Garcia (Dela Salle University – Dasmarinas, Cavite)

Tagapayo: Senator Mary Grace Poe.

Leave a comment

Leave a Reply