
“I don’t want my boyfriend to be subjected to public scrutiny.” – Vice Ganda
Sa panayam ng Philippine Showbiz Republic (PSR) kay Vice Ganda, ay idininay nito ang lumalabas na balita na may relasyon sila ni Kurt Joshua Ong, ang tinanghal na Mr. Chinatown 2014.
“Kapag nakikita ninyong kasa-kasama ko ay hindi ko dyowa yun dahil kapag dyowa ko ay hindi lumalabas at never nyong makikitang kasama ko,” umpisang sabi ni Vice.
Patuloy niya, “Yun ang totoo. Mamatay man! Yung ‘pag hindi ko kasama, ‘yun ‘yon,” na ang ibig sabihin ni Vice na ang boyfriend niya ay hindi niya inilalantad sa publiko.
Ipinagdidiinan ni Vice na kaibigan niya lang si Kurt kahit pa nga lumabas sila ng binata.
Sa darating niyang concert sa May 22 billed as ‘Vice Gandang-Ganda Sa Sarili…sa Araneta! E ‘Di Wow!’ ay manonood daw si Kurt kasama ang pamilya nito.
Hanggang ngayon ay ayaw pa rin ni Vice na maging open tungkol sa relasyon niya dahil ayaw niya na tuwing tatanungin siya ay lagi na lang dyowa ang tinatanong sa kanya.
“Kasi, masisira siya (boyfriend niya), eh. Masisira kami. Huhusgahan siya. Bakit mo isa-subject yung taong mahalaga sa ‘yo sa scrunity, sa panghuhusga ng mga tao? Bukas-makalawa, may mababasa na ako sa Twitter, kung anu-anong sinasabi sa kanya. Hinuhusgahan siya, ang pamilya niya. Para saan? Bakit n’yo kailangang malaman ang pangalan? Para husgahan? Yun lang naman, eh,” paliwanag pa ni Vice.
Kahit pa ‘yung boyfriend niya ang magsabing maging open silang dalawa ay ayaw pa rin niya. Yung dyowa niya ngayon ay ayaw din, kaya mutual decision nila iyon na maging tahimik at ilihim ang tungkol sa kanila.
“Bakit n’yo ba kasi inaabangan ang dyowa ko, hindi naman ako babae?” natatawang pagtatapos ni Vice.