May 24, 2025
“I don’t want to consider myself a TV5 favorite, but it’s a blessing that I have more shows than the others.” – Mark Neumann
Latest Articles T.V.

“I don’t want to consider myself a TV5 favorite, but it’s a blessing that I have more shows than the others.” – Mark Neumann

Apr 10, 2015

joe@barrameda
by Joe Barrameda

mark 1 May mga nagsasabing paborito ng TV5 ang young male star na si Mark Neumann.
Mas visible at tila mas naalagaan kasi siya kaysa kay Vin Abrenica na siyang tinanghal na panalo sa Artista Academy, isang artista search ng Kapatid Network noong 2012.

“Well, it’s a compliment, I guess, but of course I don’t wanna let it go to my head. Hindi ko ipinapasok sa ulo ko na tinatawag ako favorite tapos I will act that way, kumbaga. I’m still doing my best every project, di ba? I’m still working as I always did, I try to give my best.”

Honestly, nararamdaman ba niya na paborito nga siya?

“Parang, I don’t wanna say yes pero medyo po,” pag-aamin ng half- Croatian/half Pinoy actor. “Kasi TV5 entrusted me with something like The Magic In You which is a really big opportunity. I mean, I don’t wanna call myself favorite too much pero parang somehow maybe, yeah,” at tumawa ang binata.

“I think it’s sort of a blessing din, you know that I have more shows than the others, pero we all naman are given evenly shows.” Nag-WattPad rin daw si Vin.

Nakausap namin si Mark nitong Martes ng gabi, April 7 sa Annabel’s restaurant sa presscon ng Wattpad Presents The Magic In You na pinagbidahan nina Mark (bilang si Basti) at Shaira Mae (bilang si Princess).
Mark 2

Magkaibigan raw sina Mark at Vin. “ Yeah, we’re really good friends.”
Hindi raw naapektuhan ng intriga at competition ang pagkakaibigan nila ng kapatid ni Aljur Abrenica. “No, as in zero, we are really good.”

Si Mark na nga ang pambatong male teen star ng Kapatid Network. May titulo na nga siya, Kilig Prince with Shaira as the Kilig Princess. May mga nagsasabing si Mark ang maaaring ipantapat ng TV5 kay Daniel Padilla.

May mga nagsasabing puwede rin siyang itapat kay James Reid, at maging kina Ruru Madrid at Miguel Tanfelix ng GMA.
“Pressured din,” bulalas ni Mark. “Kasi I can only say malalaking, that’s an honor to be na tinatapat nila ako or kinda they’re saying na pambato, which for me is really an honor. It’s an honor kasi tinatapat ako sa malalaking artista, as in sikat na, talagang as for me I feel pressured pero happy din. Basta ako gagawin ko yung best ko.”

Ano ang meron siya na wala sina Daniel, James, Ruru at Miguel? Gaano siya kakaiba sa mga nabanggit na male teen stars?

“Ano po siguro, me as Mark Neumann, I work hard.”

Hindi ba nagtatrabahong mabuti ang ibang mga male teen stars?

“They do as well! Pero all I can say is for myself, I work hard and I do my best and I’m just living my life.”

Hiningan naman namin ng opinion si Mark tungkol sa pagkakaroon ng boyfriend ng kanyang ka-loveteam; magkarelasyon sina Shaira at Edgar Allan Guzman.

Hindi naman raw hadlang sa pag-angat ng loveteam nila ang bagay na ito.
“Not at all! I’m so happy with Shaira, we’re enjoying what we’re having, wala, zero.”

Magkakilala raw sila ni Edgar Allan at nagkasama na rin sa trabaho.

“I know him for a long time, since AA [Artista Academy], and sa Lokomoko we spend a lot of time, so nothing, no hindrance at all.”
Hindi raw problema sa kanya na may kasintahan ang kapareha niya.

Kung wala ba itong boyfriend hindi siya magkakagusto kay Shaira?
“Let’s say we have a special kind of relationship, you know.”

Single si Mark at walang girlfriend kaya masasabing napipigilan ang kanyang damdamin dahil may karelasyon si Shaira?

“Hindi naman, hindi naman. My feelings are the same, malinaw yung feelings ko. I don’t suppress anything. Basta kasama ko si Shaira masaya ako, we’re having a good time, you know, there’s no regrets or no, parang suppression.”
Wala raw nililigawan si Mark ngayon.

“Sa ngayon wala po, bawal! Ayaw ng tito ko,” pagtukoy ni Mark sa tiyuhin niya na siya rin niyang manager, ang owner ng Artista Salon na si Gio Anthony Medina.

Hindi raw niya nararamdaman na unfair iyon na si Shaira ay may lovelife at si Mark ay wala.
“Siguro sa busy din ng schedule, hindi ko na iniisip, ang focus ko ay work.”
Sa taping ng The Magic In You sa Hong Kong Disneyland ay baligtad ang naganap; si Shaira ang nag-alaga kay Mark na may matinding takot sa pagsakay sa mga rides sa naturang theme park.

Nagkaroon ba si Mark ng traumatic experience in the past kaya ganoon na lamang ang phobia niya sa mga rides?
“Wala naman po. I’ve always been like parang, hindi sanay,” at natawa si Mark.

mark

Ipapalabas ang Wattpad Presents: The Magic In You simula sa Lunes, April 13 hanggang Biyernes, April 17 sa TV5 @ 9 pm.

Leave a comment

Leave a Reply