
Doris Bigornia is being accused of misbehavior during The Script’s Concert
by PSR News Bureau
Nanggagalaiti sa galit ang isang lalaking nagngangalang Richard Lim sa ABS-CBN TV host na si Doris Bigornia at sa anak nitong babae na si Nikki. Ginamit ng naturang lalaki ang kapangyarihan ng social media upang ilabas nito ang kanyang sama ng loob diumano nang manood sila ng kanyang anak ng concert ng The Script nitong nakaraang Linggo. Sa mahaba-habang post ni Mr. Lim na may titulong “The Dark Side of Doris Bigornia,” isinalaysay nito ang kanyang bersiyon ng mga pangyayari.
Ang allegation nito ay pasimuno raw ni Doris at ng kanyang anak na si Nikki kaya nagtakbuhan ang concertgoers sa stage kahit na natakpan yung mga nakaupong manonood kung saan kabilang
nga si Mr. Lim kasama ang anak nitong lalaki.
“The event bouncers instructed them to go back to their seats, explaining to them that it was a seated concert but instead of sitting down, Doris shoved off the bouncers and didn’t mind them. Chaos started with people running in front hitting me and my son. My food and drinks spilled all over the place, being stepped on, bumped and to the point that they were already pulling me and my son out of our seats.”
“I went up to her (Bigornia) and asked her politely and said, “Ma’am, favor lang, I’m seated right behind you and you are blocking my view,” and she didn’t even reply but instead looked over to the other side. My son was already hyperventilating because it was starting to get crowded again. Bouncers tried to push Doris and company away but her daughter shouted on top of her voice to the bouncers and said, ‘Paalisin ninyo muna lahat bago kami umalis dito.’
Salaysay pa ni Mr. Lim, nakiusap daw ulit siya kay Doris dahil nga nagha-hyperventilate na naman yung lalaking anak niya pero ang sagot nito, “Wala akong paki kahit mamatay siya diyan.”
“I was shocked! I was not expecting that kind of answer from a so-called personality who was from a show titled “MUTYA NG MASA.” I wanted to keep my cool so I replied and said, “Ganyan ba kayong mga taga-media, sa TV lang matino, sa totoong buhay walang pakielam?”
Samantala, nag-post naman ang anak ni Doris sa social media account nito bilang tugon sa nag-trending na pag-post ni Mr. Lim sa nasabing issue, “There are always two sides to an issue.”
Bukas ang Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) para sa panig naman ni Ms. Doris Bigornia.