May 23, 2025
Drama King Christopher de Leon hopes to connect with millenials in his new series
Featured Latest Articles

Drama King Christopher de Leon hopes to connect with millenials in his new series

Nov 9, 2016

Panibagong hamon sa Drama King na si Christopher de Leon ang kanyang role sa OTJ: The Series na isang collaboration ng Globe Studios, HOOQ at Reality Entertainment na exclusive na mapapanood online.

 

It’s a new medium for me kasi  online siyang mapapanood”, pagbubukas ng award-winning actor.

 

Excited din siya na maging bahagi ng isang innovative project na isa sa target audience ay ang mga millennials na karamihan ay mga internet users.

 

My character is a nice guy. Principled siya at pinangangaralan niya ang mga nagsusulat sa newspaper niya na maging objective at balanse sa kanilang isinusulat sa La Paz News, isang local publication. Then, magkakaroon siya ng conflict kay Sisoy ( Teroy Guzman), isang corrupt media man who tries to cover up iyong mga ginagawa ng isang powerful political clan”, aniya.

 

Malaking karangalan din para sa kanya na maidirehe ng master director na si Erik Matti na kilala sa kanyang mga obrang OTJ, The Movie, Tiktik: The Aswang Chronicles at Honor Thy Father.

 

We did a movie before pero kalahati lang siya at hindi natapos and I’m glad na makakatrabaho ko siya kahit sa isang series”, ani Boyet.

otj-the-series-logo

Umaasa rin si Boyet na sa pamamagitan ng OTJ:The Series ay may maiaambag  ang kanyang sining sa kamalayan ng bagong henerasyon ngayon.

 

We hope na maka-connect sa young audience natin”, sey niya.

 

Proud din si Boyet na ang kanyang mga obrang pinagbidahan tulad ng  “Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon?” , “Kasal”, “Kakabakaba Ka Ba?”, “Haplos”, “Hindi Nahahati Ang Langit”,  “Ikaw At Akin” at iba pa ay nai-restore at na-remaster na.

 

Sa wish list niya, gusto rin niyang masaksihang i-restore digitally ang pelikulang “Ang Alamat ni Julian Makabayan” ni Celso Ad Castillo na pinagbidahan niya noong dekada ’80.

 

It’s one of my favorites kasi every frame is like a painting on canvas. It’s very cinematic and it’s a masterpiece from Celso Ad”, pahayag niya.

 

Gusto ring i-revive ni Boyet ang kanyang directorial career na ang huling obrang idinirehe ay ang “Huwag Mong Salingin ang Sugat Ko” na isang modern retelling ng “Noli Me Tangere” ni Jose Rizal.

 

Hopefully next year. Hindi ko pa masabi kung ano pero it should be something nationalistic for the Filipinos. It’s my way of paying back to the industry who has been so kind to me. It should be historical or inspired by true to life events”, paliwanag niya.

boyet-de-leon

Aminado naman si Boyet na minsang inalok sa kanya na gawin ang talambuhay ng Presidente Manuel L. Quezon subalit tinanggihan niya ito.

 

May mga roles kasing tinatanggihan mo dahil naniniwala kang minsan ay hindi bagay sa iyo”, aniya.

 

Happy din si Boyet dahil maganda ang naging resulta sa takilya ng pelikulang “The Escort” ng Regal Films kung saan kasama siya sa cast.

 

Natapos na rin ng aktor ang “Kamandag ng Droga” ni Carlo J. Caparas kung saan balik-tambalan sila ng grand slam queen na si Lorna Tolentino.

 

Kasama rin siya sa principal cast ng “Across The Crescent Moon” ng acclaimed screenwriter turned director na si Baby Nebrida na ipinagdarasal niyang makapasok sa magic 8 ng 2016 Metro Manila Film Festival.

 

Sa OTJ: The Series, kasama ni Christopher sina Bela Padilla, Arjo Atayde, Smokey Manaloto, Leo Martinez, Dominic Ochoa, Jake Macapagal, Nafa Hilario Cruz, Nonoy Froilan, Teroy Guzman, Neil Ryan Sese, Renz Fernandez, Ria Atayde, Levi Ignacio at marami pang iba.

Leave a comment