May 22, 2025
Driven to Heal launched; Jarren evicted
Latest Articles

Driven to Heal launched; Jarren evicted

Oct 3, 2024

Tipong puspusan na ang ginagawang pangangampanya ni Dear SV host Cong. Sam Verzosa para sa mga taga Maynila kung saan tatakbo siya bilang Mayor.

Tipong ang mahigpit niyang makakalaban ay ang dating Mayor ng Maynila na si Isko Moreno.

Kamakailan lamang ay namigay ang Dear SV host ng 100 food carts para ipangnegosyo ng mga mahihirap at walang trabaho.

Last September 29 ay may ganap uli siya called “Driven To Heal” na ang venue ay sa Frontrow Headquarters sa Quezon City kung saan naka-display ang mga luxury cars na pulos bago katulad ng Rolls Royce, Ferrari, at iba pang luxury cars na for sale.

Yes, ibinenta ni Sam ang mga koleksiyon niya ng luxury cars na ang sabi, for this batch, ay 10 mamahaling kotse na may P40M ang isa (Rolls Royce) at ang target niya ay makapag-raise ng P200M para makapagpatayo ng dialysis at diagnostic center para sa mga taga-Maynila. 

Samantala, todo naman ang support ng girlfriend niyang si Rhian Ramos.

***

Ngayong pitong housemates na lamang ang natitira, mas hihigpit pa ang kompetisyon nang pabalikin ni Kuya ang mga evictee na sina Jas, Dingdong, Patrick, Therese, at Jarren bilang House Challengers na susubok sa kanilang katatagan at samahan ngayong linggo sa “PBB Gen 11.”

Matapos ma-evict ang Fil-Brit Housemate na si Jarren nitong Sabado (Setyembre 28), inatasan siya ni Kuya na manatili muna sa loob ng kanyang pamamahay para maging isa sa House Challengers na magpapayanig sa mga Housemate.

Kasama niyang reresbak ang mga nagbabalik-bahay na sina Jas, Dingdong, Patrick at Therese. Sa kanilang unang pasabog, pinangunahan nila ang pagpapalayas sa mga natitirang Housemate at sila muna ang mamamalagi sa loob ng bahay. Pagkatapos nito ay babalik din sila sa outside world.

Samantala, binasag muli ng programa ang all-time online views record nito matapos magtala ng mahigit 606,000 concurrent views sa Kapamilya Online Live via YouTube nitong Sabado.

Abangan ang latest updates sa “Pinoy Big Brother Gen 11” tuwing Lunes hanggang Biyernes, 10:15 PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, at iWantTFC.

Mapapanood din ito tuwing Sabado at Linggo, 8:30 PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at iWantTFC, at 9:30 PM sa TV5.

Leave a comment