
Eat Bulaga’s Tito Sotto and Joey De Leon’s ‘Halloween costume’ offended Muslim brothers
by PSR News Bureau
Nakatanggap ng mga batikos at sari-saring opinyon ang ginawang pagsusuot ng damit ng mga Muslim ng dalawa sa “Eat Bulaga” hosts na sina Senador Tito Sotto at Joey de Leon nitong nakaraang Halloween special episode ng nasabing noontime show. Bukod kasi sa mga Muslim communities sa buong bansa ay naging apektado rin sa di makatarungang pagsusuot ng Muslim costume ang dalawang nasabing hosts ng programa ang mismong lider ng Autonomous Region in Muslim Mindanao [ARMM] na si governor Mujiv Hataman at ito nga ay isa sa mga nag-demand ng public apology for purportedly being insensitive to Muslims.
Sa opinyon ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) news bureau, hindi nga naging makatarungan ang ginawa ng dalawang hosts ng noontime show dahil hindi akma ang pagsusuot ng Muslim garment bilang pag-celebrate ng Halloween. Sa inilabas na opisyal na statement ni Gov. Hataman, sinabi nitong ang naging costume nina Tito at Joey ay isang affront to Muslims. Nagsuot kasi sina Tito at Joey ng tinatawag na keffiyeh [isang uri ng headdress] at thwab [an ankle-length garb] na karaniwang isinusuot ng mga kalakakihan sa bansang Middle Eastern o Arab, pati na ng mga non-Muslims.
“What ‘Eat Bulaga’ did in its Halloween special was a mockery of and an affront to the image of the Muslim, apparently in the name of entertainment. This display betrays an insensitivity by these hosts, as they equated the Muslim garb as a costume to be feared, in the way that zombies and ghouls are to be feared.”
Ganito ang tinuran ni Governor Hataman dahil sa halos ma-stereotype na nga naman ang mga kapatid nating Muslims as terrorists at ‘troublemakers dito sa ating bansa.’ “On behalf of the Filipino Moro people, we demand that producers and hosts of the noontime show issue a public apology,” buwelta ni Governor Hataman.
As of press time, nag-issue na rin ng opisyal na statement at publicapology ang pamunuan ng “Eat Bulaga.” Magsisilbing isang malaking lesson naman ang dapat na natutunan ng “Eat Bulaga” hosts at nang staff and crew nito tungkol sa angkop na kasuotan at sa pagiging sensitibo sa inirerespeto ng iba, partikular ng mga kapatid nating Muslim.