May 23, 2025
Echo believes in taking chances
Latest Articles

Echo believes in taking chances

Apr 19, 2017

Hindi naniniwala sa suwerte ang Kapamilya award-winning actor na si Jericho Rosales.

Para sa kanya, ang suwerte ay isang bagay na tinatrabaho.

Kung anuman ang narating niya sa buhay bilang tao at aktor, iyon ay produkto ng kanyang ebolusyon.

“Lahat iyon, blessing from God. I don’t believe in luck. Ginawa niya akong actor with a purpose. An artist with a purpose. He provides jobs for me. That’s why I have never been scared in my life kasi never niya akong pinabayaan,” paliwanag ni Echo.

Hindi rin nagsusugal si Echo at kung anuman ang naipundar niya, ito man ay pangalan, negosyo o katanyagan, ito ay bunga ng kanyang pagiging masinop sa buhay.

“Lahat naman tayo, one way or the other, we gamble. Sa mga desisyon natin sa buhay, whether it be in love or in work,” sey niya.

Isa ring businessman si Echo at meron siyang barber shop business.

Dagdag pa niya, kung anuman ang naging bunga ng kanyang pagte-take ng risk, ito ay hindi niya pinagsisisihan.

“There are lessons learned and that’s what makes you a better person,” pakli niya.

He also believes in taking chances sometimes.

“Pinakamalaking gamble ko iyong kumalas ako sa love team and then pursue my music. Then, I left showbiz for one year, pero despite that, nakabalik ako,” aniya. “Nangyayari naman talaga ito when you take chances,” dugtong niya.

Hindi rin naniniwala si Echo sa love at first sight.

“Nakakatakot kasi iyong love at first sight kasi parang ang daling ma-in love. Ang love kasi talaga ay trinatrabaho, although may mga taong pag unang kita mo pa lang, gusto mong yakapin at bigyan ng panahon. Iyong mga taong magaan agad ang loob mo tulad ni Bela,” ani Echo.

Papel ni Joma Labayen, isang lalakeng malas sa buhay na nabago ang takbo ng kapalaran nang makilala si Diane (Bela), isang babaeng sa paniwala niya ay may dalang suwerte sa kanya ang role ni Echo sa “Luck at First Sight.”

luck-at-first-sight-poster

Puring-puri rin ni Echo si Bela dahil sa pagiging sobrang talented nito. Bukod kasi sa pagiging aktres, ito rin ang story writer at nag-conceptualize ng kuwento ng kanilang pelikula.

“I also would like to learn the ropes. To learn about the creative side kasi ang Viva naman ay open sa co-production. I want also to be a producer at gusto ko ring mag-multi task, bagay na natutunan ko kay Bela,” deklara niya.

Ayon pa kay Echo, open na rin daw siya sa ideya na makatrabaho si Heart, ang kanyang ex sa isang proyekto dahil pareho na raw silang may pamilya at matagal na silang nakapag-move on sa kanilang nakaraan.

On the personal side, three years nang married si Echo sa kanyang model-TV host wife na si Kim Jones, pero wala pa raw sa isip nila ang magka-baby.

Photo from Echo's instagram account
Photo from Echo’s instagram account

Hindi rin daw pumasok sa isip nila ang mag-ampon dahil pareho naman silang perfectly healthy ni Kim. Besides, nandiyan daw naman ang kanyang binatang si Santino na ayon sa kanya ay walang hilig sa showbusiness.

“May priorities kasi kami. I have peace in what I do. Ang lahat kasi dapat may tamang timing pero kasama na rin siyempre sa plano iyong magka-baby kami pero definitely not now,” bulalas niya.

Happy din si Echo dahil magkasundo ang kanyang wifey na si Kim at si Santino.

“We are close and tight unit. We bond together always,” pagtatapos niya.

First time na makatambal ni Echo si Bela sa “Luck at First Sight” kaya excited siya kung ano ang maii-offer ng kanilang tandem.

Mula sa direksyon ni Dan Villegas, kasama rin sa cast ng pelikula sina Kim Molina, Cholo Barretto at Issa Pressman.

Ang “Luck at First Sight” ay produksyon ng Viva Films, Joyce Bernal Productions at ng N2 Productions nina Boy2 Quizon at Neil Arce.

Mapapanood na ang luckiest comedy ng taon simula sa Mayo 3 sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa.

Leave a comment