
Edgar Allan denies he has a sex video
by Archie Liao

Itinanggi ni Edgar Allan Guzman na meron siyang sex video.
Usong-uso kasi ngayon ang paglaganap ng mga sex videos sangkot ang mga kilalang male stars sa local showbiz.
Bukod pa riyan, dalawa sa mga kasama niya sa pelikulang “Pare, Mahal Mo Raw Ako” na sina Joross Gamboa at Michael Pangilinan ay merong mga sex videos na na-upload online at pinagpiyestahan sa social media.
“ Wala po akong sex video. Mas focused po ako sa trabaho. Iyong ipino-post ko sa social media account ko ay work-related po at talagang iniingatan ko po talaga ang image ko”, aniya.
Sa nangyaring pag-leak ng mga sex videos ng mga co-stars niyang sina Michael at Joross, hindi raw niya kinokondena ang mga ito dahil biktima rin daw ang mga ito.
Sa parte ni Michael, saludo siya sa ginawang pag-amin nito pero hindi raw nabawasan ang respeto niya rito.
Sa kaso naman ni Joross, ayaw niyang mag-komento dahil wala raw naman itong inaamin tungkol sa kumalat nitong sex video.
“Lahat naman tayo ay nagkakamali. Ang importante, may mga leksyon tayong natutunan sa ating mga pagkakamali”, sey ni Edgar Allan.
Bagong hamon kay Edgar Allan ang kanyang role sa pelikulang “Pare, Mahal Mo Raw Ako” kung saan ibang klaseng gay ang kanyang ginagampanan.
“Hindi siya iyong out na out na malandi. Nagho-hold back pa nga siya sa feelings niya para sa kanyang best friend. Tipong paminta”, kuwento niya.

Nakaganap ka na ng mga gay roles. Ano ang mas challenging at mas mahirap gampanan: iyong gumanap ng screaming faggot o iyong tipong paminta o closeted gay?
“Mas challenging sa akin ang gumanap ng paminta kasi masarap siyang laruin. Nalalaro ko siya. Actually, gustong-gusto ko ang ginagawa ko, kasi may hugot naman siya”.
Sino ang naging inspirasyon mo sa pagganap mo sa mga gay roles?
“Actually, iyong brother ko ang peg ko. He’s gay pero I’m proud of him. Hindi na ako humahanap ng ibang tao.Tanggap at mahal ko ang Kuya ko at mataas ang respeto ko sa kanya”, pahayag niya. “ Siyempre, inoobserbahan ko siya. Kung paano siya tumayo, paano magsalita, paano siya kinikilig, ganoon”.
Nakailang gay roles ka na, hindi ka ba natatakot na ma-typecast ka sa ganitong klaseng roles?
“Hindi naman laging gay roles ang mga roles na ginagawa ko tulad noong movie ko sa Star Cinema with Alex (Gonzaga). Para sa akin, wala namang masama sa pag-portray ng mga gay roles. It’s a job para sa akin”.
Ano ang natutunan mo sa pagganap mo sa mga gay roles?
“Actually, nagkaroon ako ng better appreciation of gay people at iyong mga LGBT. Mas naa-appreciate ko sila. Iyong Kuya ko nga, noong nalaman naming ganoon siya, mas lalo namin siyang minahal. Hindi kami nagalit o bumaba ang tingin sa kanya dahil wala naman siyang taong inaagrabyado o tinatapakan”.
Ano ang mensahe ng pelikula mong “Pare, Mahal Mo Raw Ako?
“Ang pagmamahal walang pinipiling kasarian”,pakli niya.
Ano ang mensahe mo sa mga closeted gay na natatakot pang magladlad?
“Follow your heart. Come out. Hindi na kailangang magtago pa. Mas liligaya ka kung malaya ka. Ilabas mo kung ano ka talaga”,payo niya.
Papel ng isang closeted gay na may lihim na pag-ibig sa kanyang best friend na binibigyang buhay ni Michael Pangilinan ang role ni Edgar Allan Guzman sa “Pare, Mahal Mo Raw Ako”.
Honored din si Edgar Allan dahil muli na naman niyang nakatrabaho ang Superstar na si Ms. Nora Aunor sa pelikula na gumaganap bilang ina niya na iba rin ang sexual preference.
Bukod kay Michael, kabituin rin nila rito sina Anna Capri, Katrina “Hopia” Legaspi, Joross Gamboa, Matt Evans, Nikko Natividad at Miggy Campbell with the special participation of Ms. Nora Aunor.
Ito ay sa direksyon ng award-winning composer at film director na si Joven Tan.
For your comments/reactions write to artzy02@yahoo.com.