
Gary Valenciano reacts to the online attacks made against his son Gab
by PSR News Bureau
Sino bang ama ang hindi masasaktan kung ang sarili mong anak ang pinupukol ng marami?” Iyan ang balik tanong sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) nang aming matanong si Mr. Pure Energy, Gary Valenciano ukol sa isyung kinasangkutan ng kanyang anak. Matatandaang naging kontrobersiyal ang anak nitong si Gab matapos nitong maglabas ng opinyon kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte na isang presidential aspirant.
Ayon mismo kay Gary, naiintindihan niya kung bakit tinira ng marami ang kanyang anak. “A lot of people have been asking me for my opinion. Sabi nila, ‘Hindi ka ba magre-react?’ Unang-una yung mga na air ni Gab, has made me realize na talagang sineseryoso yata mng mga Pilipino ngayon ang darating na election,” pahayag ni Gary. “Miski kasi ako nagulat na andaming nag-react. May mga death threats pa nga. Pero naniniwala ako na hindi ko rin puwede i-bash ang mga bashers dahil may pinanggagalingan talaga ang lahat minsan. Kailangan mong maintindihan yung mga ganung bagay.”
“Ganun din si Gab. May pinanggagalingan din siya talaga. Masasakit, malalalim yung sugat ng karanasan ni Gab. Pero, yung mga nang babash sa kanya, naiintidihan ko talaga. Pero above all, I think kung medyo napagising ang conscience natin tungkol sa darating na eleksyon, dapat ituloy-tuloy na. Talagang dapat pag-isipan ng mabuti. Yung binanggit ni Paolo [anak rin ni Gary na ipinagtanggol si Gab], that’s a very Pinoy trait. Isang mensahe yun para sa akin kung sino mang mananalo sa susunod na eleksyon, isipin nyo ang pamilyang Pilipino,” paliwanang pa ni Gary.
Inamin naman ni Gary na nasaktan silang mag-anak, lalo na silang mga magulang. “Dumating pa nga sa puntong maging yung past issues namin ng asawa kong si Angeli at nadamay pa sa nasabing kontrobersiya.”
“Noong umpisa, nasaktan rin ako. Kasi kung anu-ano yung ikinakabit nila sa isyu, maging yung tungkol sa past ko. But past is past eh. What’s nice about the past is that there is much beautiful, much more beautiful present and an even beautiful future tomorrow for people to see.”
“Alam mo, naniniwala ako na Filipinos will become wiser in voting for their right leader this time around. It will be another crucial election come May 2016. Sa dinami-dami ng nangyayari ngayon sa traffic pa lang nagiging major concern na agad. I think if we think about these things kahit anong marinig natin na sa palagay natin negative, pangit, ganun, pag tama ang pagiisip at sinasapuso natin ang mga mabubuting bagay, I believe that we will make the right decision in the upcoming election and we will see every candidate for who the candidate really is,” pagtatapos niya.
Noong December 6 kasi, matatandaang nag-share ng thoughts si Gab tungkol kay Mayor Duterte. Sinabi ni Gab na bagamat magaling na leader ito, kinukwenstiyon niya ang moral values ng alkalde ng Davao City. Dahilan dito ay inatake ng mga supporters ni Duterte si Gab at inatake nila ito online. Ang kapatid naman nitong si Paolo ay kumampi at ipinagtanggol ang kapatid in a series of tweets.