
Edu Manzano says he’s not discouraged to run again after losing the senatorial election

Balik-showbiz ang magaling at award-winning actor at host na si Edu Manzano pagkatapos ng humigit-kumulang na pitong buwan.
Pansamantala kasi siyang nawala sa limelight para mag-focus sa kanyang senatorial bid noong 2016 presidential elections kung saan kumandidato siya bilang senador sa tiket na Partido Galing at Puso ni Senadora Grace Poe.
Na-miss mo ba ang showbiz?
“Oo naman. Pero hindi naman ganoon katagal akong nawala. The last movie I did was ‘Halik sa Hangin’ for Star Cinema at iyong teleserye na ‘Bridges of Love’ for ABS last year.”
Hindi ka pinalad na makapasok sa magic 12 sa mga senatorial aspirants. Hindi ka ba na di-discourage na tumakbo uli for public office?
“Actually, to be in public office is not just a right, it’s an obligation for all Filipinos to contribute what they can. I will always rise to the occasion when the opportunity presents itself to me”, paliwanag niya.
Ano ang realizations mo after losing the election?
“Wala. Wala naman”, pakli niya.
Inamin ni Doods na nag-usap na sila ng GMA-7 executives tungkol sa kanyang proyekto sa Kapuso network.
“It’s a teleserye. I think the title is ‘Someone to Watch over Me’. Nakumpleto na iyong casting. May storyline na. Iyong iba nakapagsimula na ng taping. Ako, magsisimula pa lang”, kuwento niya.
Kontrabida ba ang role mo rito?
“Actually, it’s more positive than some of the roles na ino-offer sa akin”, pagbubunyag niya.
Ang mga artista natin tulad ng Superstar na si Nora Aunor at Star for all Seasons ay sumabak na sa paggawa ng indie. Ikaw ba, wala kang balak gumawa ng indie?
“May mga offers pero hindi ko pa naaayos ang schedule ko. Iba kasi ang indie, napakaimportante na manatili ka within the budget. Naka-lock na iyong mga hinihinging araw para sa shooting kaya importante na maiayos mo iyong oras mo para paglaanan sila ng panahon,” sey niya.
Hindi ka naman tutol sa indie dahil isa kang mainstream actor?
“Hindi naman. Ang problema talaga sa akin ay iyong time kasi other than showbiz, I have a business to attend to”, bulalas niya.
Dagdag pa ni Edu, hindi niya naiisip na bumalik sa pagho-host ng mga game shows na gamay na niya.
“Ipaubaya na lang natin kay Luis iyong pagho-host ng mga game shows. Siguro, if ever, na babalik ako sa pagho-host mga special events na lang”, ani Edu.
Tungkol naman sa namamagitang feud sa pagitan ng mag-ex na sina Luis Manzano at Angel Locsin, dahil sa pagtatanggol ng anak niyang si Luis kay Jessy Mendiola na napapabalitang third party sa hiwalayan ng ex-showbiz couple, minabuti niyang hindi mag-comment.
“I’m sorry wala talaga akong alam kaya hindi ako makapagco-comment”, pabiglang pahayag ni Doods.
Hindi ba nag-co- confide sa iyo si Luis tungkol sa kanyang mga problema lalo na’t tungkol sa pag-ibig?
“Natutunan ko kasi na never na makialam sa personal na buhay ng aking mga anak. Kung sakaling lumapit sila sa akin, I’ll always be there to listen and if ever, give my advice”, saad niya.
Tungkol naman kay Jessy Mendiola na natsitsismis na bagong girlfriend ni Luis, ito ang kanyang sinserong sagot.