
Ellen Adarna gets bashed for choosing Paulo Avelino over Ejay Falcon at the Star Magic Ball
by PSR News Bureau
Madaming negatibong natatanggap ang sexy star na si Ellen Adarna dahil nang malasing ito sa Star Magic Ball kamakailan lang, iniwanan nito ang kanyang date nung gabing iyon na si Ejay Falcon para kay Paulo Avelino. Katwiran ng fans, si Ejay ang opisyal na ka-date ni Ellen. Tila nabastos daw kasi ng aktres si Ejay na siya pang nag-imbita sa kanya sa nasabing pagtitipon. Nang malasing kasi si Ellen ay kay Paulo na raw nakipagkuwentuhan ang seksing actress sa party. Nakuhanan pa nga ng mga larawan ang dalawa na magka-holding hands.
Dahil dito, inulan ng batikos ang aktres. Ipinagtanggol naman ni Ejay si Ellen sa mga bashers nito. Aniya, hindi talaga maiiwasan sa isang party ang makihalubilo sa ibang guests. Kaugnay nito ay nag-post si Ellen ng pasasalamat kay Ejay. Ani Ellen: “Last night I pretended I was so glamorous and it was fun…because I’m not glam in real life. Thanks @ejayfalcon for inviting me. It was amazing!”
Sa pag-post niyang ito, kapwa Kapamiya actress ang nagbigay ng komento, sabi ni Isabelle Daza sa komento niya: “And then you ditched him [Ejay].” Dahil dito’y umani ng masasakit na salita ang sexy star lalo’t higit mula sa fans ni Ejay. Marami ang nainis sa inasal ng sexy star sa lalalking naging date niya sa Star Magic Ball.