
Elmo expresses excitement on his sister Saab’s wedding; ‘More Than Words’ inspiring to work with real life girlfriend, Janine
Excited si Elmo Magalona sa nalalapit na wedding ng kapatid niyang si Saab Magalona. Gaganapin ang nasabing kasalan sa Baguio City ngayong January 24.
“Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na may kapatid akong ikakasal,” ani Elmo.
“I’m just really happy for her na ‘yon… at this point in life parang she’s gonna be starting her own life na rin.
“I’m one of the groomsmen for her wedding. Kami ng mga brother ko.”
A-attend rin ba ang ka-loveteam at girlfriend niyang si Janine Gutierrez?
“Yeah! Mabuti na lang she’s available for that.
“It’s a church wedding. And uhm… it’s really ano lang, parang small gathering lang.
“A small gathering like… her closest friends lang and kaming family niya. So magiging very intimate talaga siya for her.”
Ano ang gusto niyang i-wish for her sister Saab at sa magiging husband nito?
“Ang wish ko lang talaga… happiness para sa kanila. And that they keep the fire burning hanggang sa magtagal pa sila.”
Hindi pa raw alam ni Elmo kung ano ang wedding gift na ibibigay niya kay Saab at sa mapapangasawa nito.
“Wala pa. Pinag-iisipan ko pa.
“Dapat maganda ‘yong gift na ‘yon. I think dapat maganda talaga ‘yong gift.”
Gusto ba niyang magkaroon agad ng anak si Saab?
“Ewan ko. Ewan ko!” tawa ulit ni Elmo.
“Actually like… para sa akin siguro huwag na muna. For me kasi, Saab is also… marami pa siyang gustong i-explore sa life.
“So I think having a kid is a… hindi pa niya talaga plano sa ngayon.”
Ano naman ang puwede rin niyang i-wsih para sa kanilang dalawa ni Janine for 2015?
“Marami. It’s only the start pa lang naman.
“And, a… I just hope talaga na mas mag-develop pa ang More Than Words.”
Bukod sa soap na pinagbibidahan nila, ano pa ang wish niyang mas mag-develop para sa kanilang dalawa?
“More Than Words Muna,” muling nangiti si Elmo.
Maganda ang nagiging review sa bawat umeereng episode ng GMA primetime series na More Than Words. Positive din ang feedback sa acting performances ng mga bida rito na sina Elmo at Janine pati na sa iba pang nasa cast.
“Siyempre grateful ako.
“Grateful ako because lahat talaga kami, we give our hundred percent do’n sa show.
“And.. ‘yon! Hindi lang namin gustong sayangin ‘yong ibinigay sa amin na opportunity ng GMA.
“It’s a nice show. And makabuluhan ang kuwento nito talaga for a primetime show ng GMA.
“Tapos ‘yon… talagang pinagbubutihan namin. And nakakatuwa na maganda nga ang feedback ng mga tao.
“Kumpara sa mga nakaraang soap na ginawa ko, ito ang pinakamahirap para sa akin. Ito rin ang pinaka-challlenging na role.
“Dahil sa mga experience na nakuha ko dito sa show na ito. And hindi lang siya basta-basta, e.
“May comedy side din siya, e. So ayon din, parang inaaral ko pa ‘yong kung paano ang timpla ng ganitong acting.
“So marami akong natututunan dito sa show na ito.
“May bagong papasok na mga characters, e. Pero hindi pa namin alam kung sino,”
“Basta marami kayong aabangan. Marami pang mangyayari.
“Kasi halfway through pa lang kami sa show. And gaya nga ng nasabi ko, may mga bagong characters na papasok.
“Kaya dapat n’yong abangan kung ano ang magiging estado nila sa pagpapatuloy ng kuwento ng More Than Words.
Kung maaapektuhan ba nila ang relasyon nina Ikay at Hero (characters nila ni Janine).
“Kasi ngayon nagiging ano na sila, e… nagkakaroon na ulit ng soft heart si Hero para kay Ikay.”
And how is it working with Janine ngayong hindi lang sila magka-loveteam onscreen kundi maging in real life na rin?
“Okey naman. Masaya.”
Mas inspiring ba ang pakikipagtrabaho nila sa isa’t isa ngayon dahil sila na?
“Yes. Uhm… ano rin, it’s a plus talaga.
“It’s a bonus na kaming dalawa ang magkasama. Because… ‘yon, kahit na super let’s say maraming nangyari sa work na parang distractions, buti nandiyan siya palagi to help me get motivated.