“Elmo is a good guy, he makes an effort in getting to know Janine’s family.” – Lotlot De Leon
Noong mag-guest si Nora Aunor sa “The Buzz”, pinangakuan siya ng dalawang host nito na sina Kris Aquino at Boy Abunda na tutulungan siya na magpagamot ng kanyang lalamunan. Matagal nang problema ito ng supersatar na dahilan kung bakit nawala ang kanyang singing voice. Nang makarating ang balitang ito sa panganay na anak ni Nora na si Lotlot de Leon ay sobra siyang nagpapasalamat kina Kris at Boy.
“That’s a blessing, salamat po. Alam naman natin na si tito Boy, talagang mahal na mahal nya si mommy at ganun din si mommy sa kanya. Nagpapasalamat po ako kay tito Boy sa pagmamahal at sa tulong na ibinibigay niya at siyempre kay Ms Kris,” sabi ni Lotlot.
“Alam mo naman si mommy, sa dami ng napagdaanan niya sa industriya na ito, minsan sobra na yung batikos sa kanya. Hindi mo na alam kung ano ang totoo at hindi so iba talaga ang nagiging usapan kapag kaharap mo na at alam mo kung sinsero ang mga tao na kausap mo, so maraming salamat po,” dagdag pa ni Lotlot.
Bilang aktres naman, mukhang hindi ito ang priority ni Lotlot ngayon. Top priority niya ang pagiging manager ng anak niyang si Janine Gutierrez.
“Naka-focus ako sa career ni Janine, hindi muna sa career ko. Nakatutok ako sa kanya araw-araw at sa iba ko pang mga anak.”
“Bilang tumatayong manager ni Janine, it’s my role to make sure na she is doing okay, her career has a goal. Ginagampanan ko lang ang nararapat bilang manager pagdating sa career niya at hindi bilang kanyang ina.”
Si Elmo Magalona ang ka-loveteam at karelasyon ni Janine. Boto naman si Lotlot kay Elmo para sa kanyang dalaga.
“Palagi naman po kami nagkikita ni Elmo, mabait ‘yung bata, palagi dumadaan ‘yan sa bahay kapag may libreng oras at nakikipag kuwentuhan sa akin, sa mga kapatid ni Janine. Ang gusto ko sa kanya, he makes an effort to get to know us, to know Janine’s family,”kuwento pa ni Lotlot.
Sa napapabalita naman na muling pagpapakasal ni Lotlot sa kanyang non-showbiz boyfriend, ang sabi niya tungkol dito, “Let’s cross the bridge when we get there. Wala pa. Wala pa talaga, may singsing ako na suot ngayon pero singsing ko ito.
“Siyempre kung ikakasal ako ulit gusto ko iyung solemn. Naks, pinag-uusapan talaga natin ang wedding ha. Kapag nandyan na lang tsaka natin pag usapan yan,” natatawang pagtatapos ni Lotlot.
Follow me…
Rommel Placente
@rommelplacente
/rommelplacente