
Elmo Magalona defends brother Frank from girl accusing him of “panghihipo”
(Photo by Archie Liao)
Isa si Elmo Magalona sa apat na bidang lalaki sa pelikulang “Walwal” mula sa Regal Entertainment Inc.
Gumaganap siya bilang si Dondi, na isang prim and proper good son, na nabubuhay upang paligayahin ang mga tao sa kanyang paligid.
Ang walwal ay halaw sa popular na slang, na laging ginagamit ng millennials, na ang ibig sabihin nito ay walang pakialam, at ang pinakamalapit na salin nito sa ingles ay ‘to get wasted’ mula sa pag-inom ng sobrang alak.
Si Elmo ay anak ng namayapang actor-rapper na si Francis Magalona. Ang tatlo pang bida sa “Walwal” na sina Kiko Estrada,Jerome Ponce at Donny Pangilinan ay anak din ng mga artista.
Si Kiko ay anak ni Gary Estrada. Si Jerome ay anak ng dating action star na si Jessie Delgado, at si Donny ay anak ni Maricel Laxa.
Kaya naman sa presscon ng naturang pelikula, natanong si Elmo kung hindi ba mahirap na maging anak ng isang celebrity at hindi ba siya naiinggit sa mga ordinaryong mga kabataan na habang lumalaki ay puwedeng magwalwal at hindi guwardiyado ang kilos.
Sagot ni Elmo, “I want them to remove that notion na iba kami ganyan, because at the end of the day, we’re normal kids. Nama-magnify lang siya because of the cameras.”
Samantala, kinuha ang reaksyon ni Elmo tungkol sa pagkaka-detain ng kanyang kuya Frank sa isang presinto sa BGC nung Lunes ng madaIing araw, dahil umano sa panghihipo ng puwet ng isang babae sa bar.
“I really don’t have any comments, kasi I wasn’t there, eh. Pero I think, he’s really doing something aboit it. Sana naman. But at the end of the day, he’s my brother. I love him and he has my support,” sabi ni Elmo.
Sa tingin ni Elmo, hindi capable si Frank na gawin ang ibinibintang dito.
“I don’t think so. I don’t think so. And I’m just here for my brother if he needs me.”
Anong support ang binibigay niya sa kanyang kuya Frank?
“Kahit ano pong support like words of advice or kung bakit siya napunta sa ganon or ganyan. Basta kung kailangan niya ako, I’ll be there for him.”
Naniniwala si Elmo na sa bandang huli ay lalabas din ang katotohanan, na hindi nambastos ng babae ang kanyang kuya Frank.
“This thing that’s happening, eventually may papasok na bad stuff. Pero like I said, truth will come out naman. Truth always comes out, ‘di ba? So whatever is happening right now, lilipas din yan.”
Ang “Walwal” ay mula sa direksyon ni Jose Javier Reyes. Showing na ito sa June 27 sa mga sinehan nationwide.