
Elmo, ready to be bashed by Marnella fans
by Archie Liao
Bago pa man naging Kapamilya si Elmo ay meron nang Marnella fans sina Mario Mortel at Janella Salvador.
Naging hit kasi ang kanilang pagsasama sa TV series na “Oh! My G” at naging click din ang kanilang tambalan sa horror movie na “Haunted Mansion” na naging kalahok sa 2015 MMFF.
“Hindi namin ginusto ito ni Janella. Idea siya ng mga network bosses”, aniya.
Ang sinasabi ni Elmo ay ang kanilang unang pagtatambal nila ni Janella sa bagong kiligseryeng “Born For You” na mapapanood na sa ABS-CBN primetime block.
“Sana lang, iyong suportang ibinigay ng mga fans ni Janella with Marlo, ganoon din ang maging suporta nila sa love team namin ni Janella”, pahayag ni Elmo.
Hindi naman idinenay ni Elmo na pressured siya sa bagong loveteam nila ni Janella.
“Pressured ako kung paano tatanggapin ang love team namin ni Janella. Ito rin kasi ang una niyang romantic drama series, tapos marami kaming romantic scenes together. Siyempre, conscious din ako noong una. 18 lang kasi si Janella tapos ako 22 na. Ginagawa ko ang lahat para hindi kami ma-awkward sa isa’t-isa and she’s nice to work with naman”, paliwanag ni Elmo.
Dagdag pa ni Elmo, nagkaroon sila ng workshops ni Janella prior na sumalang sila sa kanilang mga eksena.
“Nakatulong din iyon mga workshops namin para maging kumportable kami sa isa’t-isa at si Janella naman, hindi siya mahirap katrabaho. She’s not hard to approach at may common interest kami which is music”, aniya.
Ayon pa kay Elmo, hindi raw naman niya inilihim kay Janella ang kanyang relasyon sa Kapuso actress na si Janine Gutierrez.
“Hindi naman sa gusto mong mag-set ng limitations, kaya lang mas magiging komportable kasi kami as a love team kung wala kaming mga itinatago sa isa’t-isa,,” paglilinaw niya.
Dagdag pa ni Elmo na hindi raw makakaapekto ang kanyang relasyon kay Janine sa love team nila ni Janella.
“Isa iyon sa mga unang in-open up ko sa kanya. Feeling ko kasi, kailangang sabihin ko para mawala iyong ‘ilang’ factor namin sa isa’t-isa”, bulalas niya. “Kami kasi ni Janella, laging work mode, so ginagawa talaga naming lahat para mag-work ang love team namin”, pahabol niya.
Sa pagpasok niya sa ABS-CBN, para sa kanya, bahagi na rin ito ng kanyang destiny.
Aware naman siya na stiff ang competition ng mga love teams sa Kapamilya network, lalo pa’t meron nang Lizquen, Kathniel at Jadine sa bakuran ng number one TV station.
“Hindi naman kami nakikipag-compete ni Janella. Sana lang, mabigyan kami ng chance ni Janella and so far, willing naman kami to embrace the competition”, pagtatapos ni Elmo.
Ang “Born for You” ay inspired ng hit song ng renowned international balladeer na si David Pomeranz.
Sa “Born for You”, ginagampanan ni Elmo ang papel ni Kevin Sebastian, isang teenage heartthrob at anak ng isang OPM icon (Ariel Rivera) na nakilala si Sam Kazuko( Janella), isang aspiring Pinay singer sa Japan noong magbakasyon ito.
Kung sila ang itinadhana sa isa’t-isa, malalaman iyan sa kanilang teleseryeng “Born for You”.
Mula sa Dreamscape Entertainment, ang “Born for You” ay nagtatampok din kina Viva Morales, Bernard Palanca, Ariel Rivera, Ayen Laurel, Gina Pareño, Freddie Webb at marami pang iba.
Ito ay mapapanood na simula sa Hunyo 20 sa Kapamilya primetime block pagkatapos ng “Dolce Amore”.
Ito ay mula sa direksyon nina Onat Diaz at Jon Villarin.
For your comments/reactions write to artzy02@yahoo.com