May 24, 2025
Empowered women showcase their comedic prowess in Misterless Misis
Latest Articles Uncategorized

Empowered women showcase their comedic prowess in Misterless Misis

Jul 30, 2015

arseni@liao

By Archie Liao

CKBqT9IUsAAxmq0

Magpapamalas na ng kanilang kapangyarihan ang mga kababaihan sa kanilang pagrampa sa pinakabagong handog ng TV 5 na ‘Misterless Misis.’

Ang sitcom na ito ay tungkol sa mga modern at empowered women na handang harapin ang kadalasan ay nakakaaliw at nakatutuwang sitwasyon na nagbibigay kulay sa kanilang buhay bilang “Misterless Misis.”

Tampok dito ang powerhouse cast nina Lorna Tolentino, Ruffa Gutierrez, Gelli de Belen, Ritz Azul, Mitch Valdez at ang baguhang si Andie Gomez.

Bibigyang buhay nila ang papel ng anim na magkakaibigan na sabay-sabay na humaharap sa responsibilidad bilang ina, breadwinner at bilang matatag na “Misterless Misis” sa paraang aaliw at magpapatawa sa mga manonood.

Sa panayam ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) sa buong cast ay nagbahagi sila ng kanilang mga pananaw tungkol sa kanilang sitwasyon bilang babaeng naging misis, minsang naging misis at nangangarap na maging misis.

Sa palagay ninyo, gaano na ka-independent ang mga babae natin sa panahon ngayon?

Lorna: “Independent talaga sila. Maraming nakaupo sa mataas na puwesto sa pulitika, sa sports, sa gobyerno, sa mga korporasyon at kahit sa anong larangan. Kitang-kita mo na empowered na sila ngayon na kung ihahambing mo 20 years ago ay hindi pa ganoon ka-aktibo.”

Ruffa: “The woman today are getting more successful and getting younger. Mapipili mo na lang iyong nasa bahay to tend to their husband and children. Women now are more empowered. Ako, I would like to teach my children to be independent and never to rely on anyone else.”

Gelli: “Independent siya at evolving pero nasa kanya naman iyon kung paano niya i-empower ang sarili niya. She could empower herself with information, with education. Iyong iba naiisipang magtrabaho o mag-negosyo. Kahit babae, kaya niyang magtrabaho pero sa pagpapalakad sa kanyang mga anak at ng bahay, dapat puwede pa rin niya iyong gawin.”

Mitch: “I’m proud of being in an era na nagsisimula pa lang ang women’s movement or feminism as they say. I liked the idea when it was introduced in the 60’s. Ako iyong kauna-unahang kumain sa restaurant na mag-isa. Manood ng sine nang mag-isa. Katuwiran ko, bakit hihintayin ko naman na may magyaya sa akin ng sine, eh, baka hindi ko pa mapanood iyong sine, although in our society meron pa rin namang ilan na naka-depende pa rin sa male figure which is good kasi iyon naman talaga ang idea ng marriage na dapat iyong babae has to submit to her husband.”

Ritz: “Naniniwala ako na independent ang isang tao kung nagagawa niya kung ano ang gusto niyang gawin. Karapatan ng bawat babae na hanapin ang anumang bagay na makakapag-enhance ng personality at character niya. Kapag dumadami ang kaalaman niya, doon siya nagiging powerful na makikita mo sa mga babae ngayon.”

Andie: “I feel the independence kasi single ako. Pag masaya ka sa sarili mo at nagagawa mo ang gusto mo, then independent ka and I think a lot of women are today.”

Being an independent woman, what makes you happy?

Ruffa: “I’m happy because I have my children. They are the reason I’m happy at bumabangon sa umaga with renewed vitality and sense of purpose everyday. Happy rin ako kapag I get good feedback from people na napasaya ko in my own little way. Happy ako kapag I make other people happy.”

Lorna: “Happy ako dahil nandiyan ang family ko. Nandiyan ang mga anak at apo ko na nagpapasaya sa akin. Happy ako dahil I’m still around and working. Meron akong pinagkakaabalahan like farming at meron akong sariling time for myself.”

Gelli: “Happy ako dahil kasama ko ang pamilya ko. I feel blessed and basically I’m just a happy housewife.”

Mitch: “I’m happy that I have work. I’m still here at my age. I have friends to make me happy. I am happy because I have a lot of reasons to be happy and most of all, happy ako dahil I have a renewed relationship with God.”

Ritz: “Happy ako dahil nasa right track ako. Lahat tugma siya sa mga plano ko. Nag-aaral ako at naisasabay ko siya sa trabaho ko. I have a show na good vibes ang dala sa akin.”

Andie: “Masaya ako dahil I have a family that I love at love din ako.”

As an independent woman, how far should you be dependent on a man?

Gelli: “I believe kasi in co-dependence. Independence would only be healthy if you complement with your partner.”

Mitch: “When you get married, your commitment should be 100% to your man. Emotional and financial dependence are part of the equation. If he disappears, you should be able to stand alone.”

Lorna: “Hindi naman lalake ang bubuo o kukumpleto sa pagkatao natin. We have the right to choose our own happiness but in marriage, you should complement with each other.”

Ritz: “Wala pa akong masasabi dahil I have no boyfriend since birth. Dependent pa ako sa parents ko especially my father dahil nag-aaral ako at nagwo-work at the same time.”

Andie: “Pareho rin ng sinabi ni Ritz.”

Ang “Misterless Misis” ay mula sa direksyon ni Mark Meily with Lilith Reyes as creative consultant ay mapapanood na tuwing Linggo simula sa Agosto 9 sa ganap na alas-9 ng gabi sa TV5.

Leave a comment

Leave a Reply