
Empress admits having mutual understanding with Joseph Marco
Buong ningning na inamin ni Empress Shuck na naging mag-MU sila ni Joseph Marco. Napilitang sagutin ni Empress dahil sa pangungulit sa kanya kung may naiwanan ba siya sa Kapamilya network. Hindi raw nauwi sa seryosohan dahil may kanya-kanya silang priority.
Anyway, balik-Kapuso si Empress at unang proyekto niya ang bagong serye na “Kailan Ba Tama Ang Mali?” kasama sina Geoff Eigenmann, Max Collins at Dion Ignacio na magsisimula sa February 9.
Last year ay hindi na siya ni-renew ng ABS-CBN at wala na ring binibigay na proyekto sa kanya.
“Magda-dalawang taon na akong walang show, so ayun, si Tita Becky (Aguila manager niya), sabi niya, why not daw na subukan dito, so ayun. Lumipat ako last December and nag-taping na ako agad.
“Nagpaalam kami nang maayos (sa ABS-CBN), tinanong namin kung okay sa kanila, at sabi nila okay lang daw, so siguro, ‘yun na talaga ‘yung sign. Sila na mismo ‘yung nagsabi na okay lang. Eh di okay po. Mas maganda na may approval talaga nila,” bulalas ni Empress.
Aminado siyang sobrang nasaktan siya sa hindi pagre-renew sa kanya at hindi pagbibigay ng project pero siyempre, wala naman daw siyang magagawa kungdi tanggapin at mag-move-on.
Follow me…
Roldan Castro
@roldanfcastro
/roldanfcastro