May 23, 2025
Empress Schuck narrates her first time on kissing and love scenes on ‘Kailan Ba Tama Ang Mali’
Latest Articles T.V.

Empress Schuck narrates her first time on kissing and love scenes on ‘Kailan Ba Tama Ang Mali’

Mar 4, 2015

Ruben Marasigan
by Ruben Marasigan

empressBalitang crush ni Empress Schuck si Alden Richards at nangingiti lang ang aktres nang matanong namin hinggil dito.

“Hindi naman crush.” Aniya. “Gusto ko lang siya na isa sa makatrabaho dito sa GMA.

“Siyempre marami akong gustong makatrabaho. At isa nga siya (Alden) do’n.”

Single ngayon si Empress. At marahil sa paglipat niya sa GMA ay may bago rin siyang mga admirers sa ngayon?

“Siyempre hindi mawawala ‘yon!” sabay tawa ni Empress pero ayaw niyang magbanggit ng pangalan.

Thankful daw si Empress na mababait ang kanyang mga katrabaho sa una niyang teleserye sa GMA na ‘Kailan Ba Tama Ang Mali’? Madali raw niyang hindi lang ang mga co-stars niyang kinabibilangan nina Max Collins, Geoff Eigenman, At Dion Ignacio kundi pati buong production staff nito.

“Marami akong close friends sa ABS. Pero ngayon na nasa GMA na ako, nakakatuwa na nakahanap ako ng mga bagong kaibigan.”

May pagka-kontrabida ang role ni Empress Shuck sa ‘Kailan Tama Ang Mali’? Pero okey lang daw sa kanya dahil malaking challenge daw ito for her.

Kumpara sa mga roles na na i-portray niya sa kanyang mga nagawang project dati sa ABS-CBN, medyo daring na siya ngayon. Dahil pumayag siya na magkaroon siya mga kissing scenes at love scenes with Geoff.

“No’ng kinunan ‘yong mga gano’ng eksena, feeling ko… siyempre po nakakapanibago. Kasi from the day I started po as an actress, hindi pa po ako napapayag dati sa mga gano’ng kissing scenes.

“So first time ko talagang gawin’yon. At as a first timer, talagang nakakakaba.

“Pero… basta ako, go na lang. Kasi magti-22 na ako, bakit pa naman ako aangal pa, di ba?”

Nang lumipat siya sa GMA, may mga nangba-bash sa kanya sa social media. Marami raw siyang mga hindi magandang nababasa mula sa mga ito pero hindi na lang daw niya pinansin.

“Never ako sumagot sa mga bashers. Never talaga akong nag-reply.

“Binabasa ko lang. Tapos deadma lang ako.”

Ano ang pinaka-grabeng nabasa niyang banat ng mga nang ba-bash sa kanya?

“’Yong sinabi ng isa na… Empress, pwede ka bang makausap nang personal? Kasi meron kaming thesis sa school na tungkol sa kung anong feeling ng mga artistang laos na.

“Sabi ko… grabe! Foul talaga ‘yon.”

Hindi naman daw apektado si Empress sa mga negatibong sinasabi ng kanyang mga detractors. Ang pinagtutuunan daw niya ng pansin ngayon ay ang bagong simula at direksiyon ng kanyang career bilang isa nang Kapuso star.

Leave a comment

Leave a Reply