
Enchong Dee wants to celebrate his 10th year with a blast
by Archie Liao
Fitting project para kay Enchong Dee ang “I Love You To Death” dahil gusto niyang i-celebrate ang kanyang ika-sampung taon sa showbiz with a blast.
Katunayan, maraming pasabog ang pelikula dahil bukod sa kakaiba ang kuwento nito ay usap-usapan pa ang kissing scenes nila ng kanyang leading lady na si Kiray Celis.
“Unique siya sa mga nagawa ko na. Matatawa ka, matatakot. May drama rin at may kasamang kilig”, ani Enchong.
First time din ito kay Enchong na makagawa ng pelikula sa Regal Films, ang original home of quality Pinoy movies.
“Nag-enjoy akong gawin siya. Sa Regal, same lang naman siya sa environment ng mga film outfits na nagawan ko na. Walang naging problema sa shooting kasi napaka-organized nila from cast to crew”, deklara ni Enchong.
Ano’ng masasabi mo kay Kiray bilang leading lady?
“Hindi naman siya nalalayo sa mga nakasama ko like Erich (Gonzales) and Maja (Salvador). Magkakilala na kami before dahil nagkasama na kami sa isang variety show, pero siyempre ngayon, nag-mature na kami”, paliwanag niya.
Hindi ka ba nailang sa kissing scenes ninyo ni Kiray?
“Siya kasi, na-sense ko hindi siya sanay, so kailangang alalayan ko siya para hindi siya ma-awkward”, pagtatapat ni Enchong.
Aminado rin si Enchong na naglie-low siya sa kanyang career.
“It’s a choice. I admit na naging ‘choosy’ ako sa pagtanggap ng mga projects. Ayoko kasing gumawa ng proyekto na hindi ko maibibigay nang buo ang dedication ko”, sey niya.
Wala bang kinalaman ang lovelife mo sa desisyon mong maglie-low sa showbiz?
“Wala naman. It’s really my choice”, esplika niya.
Inamin din ni Enchong na two years na silang hiwalay ng kanyang girlfriend na si Samantha Lewis pero maayos daw naman ang kanilang naging paghihiwalay.
“ I guess, magkaiba lang kami ng priorities pero walang third party involved,”, paglilinaw niya.
Happy din si Enchong dahil bukod sa “I Love You To Death” ay may bago siyang show na “AgriCOOLture” na mapapanood sa Knowledge Channel kung saan ipakikita niya ang kanyang galing sa hosting.
May soap din siyang ginagawa kasama si Bea Alonzo at soon ay ila-launch na ang kanyang album na “EDM”(Enchong Dee Moves).
May mga adbokasya ring sinusuportahan si Enchong tulad ng pagbibigay ng free swimming lessons sa mga batang gustong matutong lumangoy.
Ang “I Love You To Death” ay unang tambalan nila ni Kiray Celis, ang bagong Kikay Comedy Princess.
Mula sa direksyon ni Miko Livelo, mapapanood na ito sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa simula sa Hulyo 6.
For your comments/reactions write to artzy02@yahoo.com