
Enrique Gil feels secured when he quoted his understanding with Liza Soberano; not threatened with Diego Loyzaga at all
Inamin na rin ni Enrique Gil ang pagkakagusto sa leading-lady niya sa top-rating serye nilang ‘Forevermore’, na si Liza Soberano. Sa interview nito sa ‘Aquino & Abunda Tonight’ kagabi ay ay sinabi niyang alam naman daw ng young actress ang kanyang intensyon pero wala pang pormal na panliligaw ang nagaganap.
“Hindi pa ligaw kasi. Well, ang hirap kasi i-explain, eh, pero may understanding kami. ‘Okay, gusto kita.’ Siya naman, she understands how I feel. Sabi niya… May usapan naman kami na alam niya na hindi pa puwede kasi 17 lang siya. Siguro ‘pag 18 na raw siya.”
Maraming pagkakakataon na ring nagkatrabaho ang dalawa. Nakita na rin ang chemistry nila ng magkasama sa pelikulang ‘She’s The One’, na pinagbidahan nina Bea Alonzo at Dingdong Dantes last 2013.
Pero masasabi ng aktor na sa seryeng ‘Forevermore’ higit silang naging close. Sa limang buwan na tinatakbo nito sa ere ay lalu pa raw lumalim ang kanilang friendship.
“Masasabi kong sa lahat ng babae dito sa showbiz, siya ‘yung pinaka ka-close ko ngayon. Siya ‘yung pinaka komportable ako. Basically, we’re best friends.”
Tinanong naman siya kung nagseselos siya sa ka-love triangle sa nasabing serye na si Diego Loyzaga. Mabilis ang naging sagot niya.
“Ako, sa pagseselos, parang hindi naman, parang wala naman. Alam ko naman na may understanding kami.”
Follow me…
Mildred Bacud
@dredzbacud
/mildredamistadbacud