May 25, 2025
Are Erich Gonzales and Daniel Matsunaga playing beautiful music together?
Latest Articles

Are Erich Gonzales and Daniel Matsunaga playing beautiful music together?

Apr 23, 2015

by PSR News Bureau

ERICH-AT-DANIEL-0220NEWNoong Miyerkules, April 22, sa panggabing palabas na Aquino and Abunda sa ABS-CBN, naikuwento ni Kris Aquino na diretsahan daw niyang tinanong ang kaibigang si Erich Gonzales kung ito ay may boyfriend pa na ayon sa TV host ay tahasang sinagot naman ni Erich nang ‘wala na.’ Nasabi rin ni Kris na ang bunsong anak niyang si Bimby ang diumano’y nagsilbing match-maker nina Erich at Daniel.

Nang mahingan pa ng co-host na si Kris ng iba pang mga detalye, tumanggi ito at nagsabing bagamat close sila ng dalaga, kung anuman ang mga sinsabi nito patungkol sa kanyang buhay ay hindi komo’t sine-share ni Erich sa kanya bilang kaibigan ang ilang mga detalye ay binigyan na rin siya nito ng karapatan upang ihayag ang mga ito sa publiko. “Nagbago na ako Boy, marunong erichdaniel-030215na akong magtago ng sikreto,” pagmamalaki pa ni Kris sa co-host na si Boy. Ayon pa kay Kris, hindi daw niya kayang ipagkanulo at sirain ang tiwalang ibinigay sa kanya ng kaibigang si Erich.

Akala ng lahat matagal ng engaged si Erich sa dati nitong nobyo dahil may suot ito dati na diamond ring na kung tawagin ni Kris ay parang ‘promise ring’ na ibinigay lang daw sa dalaga. Pero sa Aquino and Abunda ay klinaro agad ito ni Kris Aquino. Pinabulaanan niya na naging engaged si Erich. Never daw naging engage ang kanyang kaibigan.

Kaya’t kung tunay mang mayroong namamagitan na espesyal sa pagitan nina Erich at Daniel Matsunaga, hanggad namin dito sa Philippine Showbiz Republic (psr.ph) na maging maligaya ang dalawa dahil parehas naman silang single ngayon. Wala rin naman silang tinatapakan na tao bukod pa they make a lovely pair dahil si Daniel ay guwapo na’t simpatiko pa, habang si Erich naman ay isa sa pinakamagagandang mukha sa showbiz.

Leave a comment

Leave a Reply