May 24, 2025
Erich Gonzales reiterates everything’s ‘okay’ with non-showbiz ex-boyfriend
Latest Articles Uncategorized

Erich Gonzales reiterates everything’s ‘okay’ with non-showbiz ex-boyfriend

Jun 26, 2015

Antazo PSR pic
By Mary Rose G. Antazo

erich Blooming ang Kapamilya actress na si Erich Gonzales dahil sa kanyang lovelife ngayon courtesy of hunk boyfriend Daniel Matsunaga. Ang love journey ng dalawa na mas kilala sa tawag ngayon na ‘DanRich’ ay sinasabing nagsimula sa Kandaya Resort, Daanbantayan Island, Cebu nang parehong maging guest ang dalawa sa programang Kris TV. Kaya’t talagang nasaksihan mismo ng Queen of All Media at TV host na si Kris Aquino kung paano nabuo ang magandang pagtitinginan nina Erich at Daniel.

Mapapansin nga ng marami na malaki ang ipinagbago ni Erich matapos nitong makipaghiwalay sa kanyang non-showbiz ex boyfriend na businessman. Kung dati rati’y napaka-prim and proper nito, ngayong si Daniel na ang kanyang nobyo’y makikitang mas relax na siya at lumalabas ang pagiging ‘kalog’ nito.

Naitanong ng Philippine Showbiz Republic (PSR) si Erich tungkol sa shares niya sa business nila ng ex-boyfriend niya na non-showbiz, sinabi ng dalaga na wala naman na daw problema dahil naayos naman niya iyon. Ang dalawang restaurants na nagsosyo si Erich at ang ex-boyfriend niya ay ang The Breakfast Club at Piccolo Cucina Moderna. “Nakuha ko na ‘yung investments ko para I’ve nothing to do with it na lang,” pag-amin pa ng aktres.
Sariling desisyon daw ni Erich ito para wala na silang pag-usapan pa pero pagdidiin niya, maayos daw silang naghiwalay ng kanyang ex.

“Okay naman kami. We talk naman, we are okay. Sabi ko parang I decided na I don’t want anything to do with the restaurants, so sabi niya [ex boyfriend], ‘ah okay sige we will just (give) your investment.’ So ganoon lang, easy, simple,” paliwanag pa ni Erich.

erich-daniel-relationshipMatatandaang inabot nang mahigit na apat na taon ang relasyon nila ng kanyang ex bago niya maging boyfriend si Daniel.

Ang lesson nga raw na natutunan niya ngayon ay possible raw pala na magkaroon ng isang good break up ang dating magkarelasyon.

“Kasi akala ko impossible iyon na parang bad breakup palagi,” sabi pa nito.
Ano bang nabago sa kanya ngayon?

“Super free,” agad na tugon ng aktres. “Parang one day, super-free ka lang. Honestly, I don’t wanna talk about him na, kasi respeto sa kanya. Ever since naman, ayaw din naman niyang dina-drag siya sa showbiz.
Hindi naman daw ‘love at first sight’ ang nangyari sa kanila ni Daniel.

“Two years ago pa when we first met. That time, wala lang. And then, sinong may alam na we’ll be getting together, ‘di ba? And I believe na parang, yun nga, if two people are meant to be together, God will make a way for you to be together,” pagkukuwento pa ni Erich na kilig na kilig.

Leave a comment

Leave a Reply