
Erich Gonzales reveals Daniel Matsunaga’s biggest physical flaw
by PSR News Bureau
Erich Gonzales and Daniel Matsunaga is a picture of a perfect couple. Maganda ang babae at guwapo rin ang lalaki. Magkasundo sila sa maraming bagay at swak na swak sila para sa isa’t-isa. Kung kaya’t hindi naman nagkamali ang pamunuan ng ABS-CBN na bigyan sila ng sarili nilang serye, ang “Be My Lady” na napapanood tuwing umaga sa naturang network. May sarili na ring hukbo ng tagasuporta ang Danrich (halaw sa pangalan nilang dalawa) kung kaya naman hit na rin sa mga manonood ang kilig-serye nilang ito.
Ikalimang nobya na pala ni Daniel si Erich. Hindi naman daw nila sinasadyang mahulog ang loob sa isa’t-isa. “When I first met her [Erich] on the set of Kris TV back then, I did find her pretty but she was committed to someone else then. She had a boyfriend then,” kuwento sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) ni Daniel.
“Sa akin naman, siyempre, I also find him guwapo. Pero parang crush mo lang, kasi kaibigan lang talaga. Hindi kasi ako available noon, may boyfriend nga ako,” dagdag naman ni Erich.
Eventually, the two met again on the set of “Two Wives” while Daniel was on the heels of his success on being the Pinoy Big Brother Grand winner. “And the rest is history, we fell in love with each other. We enjoyed each other’s company na kahit natapos na yung teleserye namin, we’d still go out and date,” bulalas ni Erich.
Panlimang girlfriend na pala ni Daniel si Erich. “I don’t mind it naman. Ang importante, I’m the only one,” sabi ni Erich. Malapit na nga silang mag-celebrate ng kanilang first year anniversary bilang magkarelasyon. “Fifth siya pero the only one. She’s the one. I found the one,” pahayag ni Daniel. Nang tanungin naman si Erich kung nakailang boyfriend na ito at pang-ilan na si Daniel, ito ang kanyang naging sagot: “Hindi importante kung ikaw ang una, basta ang importante ikaw ang huli.”
Mukhang masyadong ‘perfect’ si Daniel sa aspetong pisikal. Mayroon ba itong kapintasan man lang? Dito na ibinuking ni Erich si Daniel. Aniya, “Yung paa niya, parang luya!”
Naghubad naman kaagad si Daniel ng sapatos para ipakita nga ang kanyang paa sa press people na naroroon. Kaya naman pala ganun na lang ang sinabi ni Erich ay sa dahilang ilan sa kuko ng guwapong Brazilian-Japanese model-actor na nobyo niya ay dahil sa namatay ito sa paglalaro niya ng football. Ito pala kasi ang sport na kinahihiligan ni Daniel.
Bago pa nga tuluyang pumalaot sa mundo ng showbiz si Daniel, ang orihinal na pangarap niya ay ang makapaglaro ng football professionally. Pero hindi nga ito natuloy dahil naagaw na siya ng showbiz industry. Pero aniya, kapag may oras rin lang siya, patuloy pa rin itong naglalaro ng football dahil ito talaga ang pinakahihiligan niyang sport.
Aniya, “See, I’m not perfect. Panget ang mga kuko ko sa paa,” pagtatapos ni Daniel na ikinatawa na lang ng nobya. Tanggap naman daw ni Erich ang lahat-lahat sa nobyo at ganun din naman daw si Daniel sa kanya.