
Erich Gonzalez and Daniel Matsunaga headlines ‘Be My Lady’ on ABS-CBN beginning January 2016 by PSR News Bureau
by PSR News Bureau
May magandang balita sa kanilang fans sina Erich Gonzalez at Daniel Matsunaga. Lead stars ang dalawa sa upcoming serye ng ABS-CBN na “Be My Lady” na nakatakdang ipalabas sa Enero ng 2016. Makakasama sa nasabing serye nina Erich at Daniel sina Yves Flores, MJ Cayabyab, Karen Demetera, Devon Seron, Clint Bondad, at ang comedy trio na No Direction, Perry Escano, at Marife Necesito. Ito sa sa ilalim ng direksiyon ni Ted Boborol.
Ngayon pa lang ay sigurado nang kikiligin ang DanRich fans dahil base sa naging special advance screening ng pilot episode nito na naganap kamakailan lang ay todo ang sigawan sa tuwing may mga kilig na eksena ang dalawang lead stars. Puno rin ng tawanan dahil kwela rin ang ilang characters ng inaabangan serye.
Gagampanan nina Daniel at Erich ang papel nina Phil at Pinang. Dalawang puso silang pagtatagpuin na may magkaibang lahi pero mahahanap nila ang pag-ibig na inaasam ng isa’t-isa. Ito ang unang pagkakataong magkakatrabaho muli ang dalawa bilang opisyal na magkasintahan sa tunay na buhay matapos nilang makilala ang isa’t-isa sa teleseryeng “Two Wives.”
“Sobrang masaya kami. It’s even easier kasi kasama ko ang girlfriend ko. At least we get to spend time with each other and we enjoy our days taping kahit sobrang init sa location,” sabi ni Daniel. “Mas nakikilala rin namin ang isa’t-isa,” dagdag naman ni Erich.
Kaya’t siguradong maganda ang pagpasok ng taon para sa DanRich couple lalo’t isa ang teleserye nilang “Be My Lady” ang magbubukas ng 2016 para sa ABS-CBN.