May 23, 2025
Erik Matti clarifies the “role snatching issue” between John Lloyd Cruz and Dingdong Dantes; JLC does his first indie film via “Con Man”
Latest Articles Movies

Erik Matti clarifies the “role snatching issue” between John Lloyd Cruz and Dingdong Dantes; JLC does his first indie film via “Con Man”

Nov 10, 2015

honor thy fatherNoong hindi pa nasisimulan ang kontrobersyal na pelikulang “Honor Thy Father” ng Reality Entertainment, may mga intrigang nagsulputan na umano’y sinulot daw ni John Lloyd Cruz.ang role sa isa sa mga passion projects ni Dingdong Dantes tungkol sa Ponzi scam.

May mga lumutang pa nga noon na may tampo raw si Dingdong sa astig na director ng “On the Job” dahil clueless daw ito na pinalitan na pala siya sa casting ng pelikula.

Ngayong kalahok na ito sa 2015 Metro Manila Film Festival, finally ay nagsalita na rin si Direk Erik Matti tungkol sa nasabing isyu.

 

eric matti“Actually, the original script was written for John Lloyd. Since 2013, after OTJ, in-announce na namin na iyon ang susunod naming gagawin. Noong inilapit namin sa Star Cinema, hindi pa ready si John Lloyd dahil may iba pa siyang ginagawa. So, we ended up talking to Dingdong. Natuwa rin kami na nagka-interes si Dingdong sa project. But since, originally written ito kay John Lloyd, priority siya. Then, maraming nangyari after that. So, nag-offer na lang kami kay Dingdong ng other projects. Happy kami na that the material and role works for all character,” paglilinaw ni Direk Erik Matti.

 

Bakit isang offbeat na character ang pinili mo para kay John Lloyd?

 

“Marami tayong artista, natatapos iyong career pero hindi mo nakikita ang range. We thought of a material na tulad nito dahil ito iyong klase na hindi niya napagdadaanan sa mainstream. Hindi naman laging magkakaroon kami ng opportunity na makuha si John Lloyd para sa aming mga projects. We believe also that he can carry the entire story by himself,” aniya.

 

Ang “Honor Thy Father” ay ipinalabas na sa Toronto International Film Festival under the Contemporary World Cinema division noong September kung saan umani ito ng mga papuri.

Ipinasok din ito ng Reality Entertainment sa 2015 Metro Manila Film Festival at nakakuha ng 9th slot at hindi nakapasok sa finalists.

Nang mag-back out ang “Hermano Pule” ni Direk Gil Portes dahil sa kawalan ng investor, automatic na pasok na ang “Honor Thy Father” sa 2015 MMFF.

Pero, balik ito sa dating titulong “Con Man,” ayon kay Direk Erik.

 

“Noong i-submit kasi namin siya for consideration sa MMFF, “Con Man” talaga ang original title niya. Iyong “Honor Thy Father,” ginamit lang namin iyon sa Toronto. Naisip kasi namin na baka isiping masyadong seryoso at artsy partsy iyong pelikula, so, para may mas commercial appeal, ibinalik namin iyong “Con Man” for the festival’.”

 

angelTungkol naman sa pag-back out ni Angel Locsin sa “Darna,” isa si Direk Erik Matti sa mga nanghihinayang.

 

“Siyempre, nalungkot ako dahil siya talaga iyong choice namin sa “Darna” pero dahil nga sa health problems niya sa back , we have to look for another one who would fit for the role. Siguro, magpapa-audition na lang kami sa gaganap ng “Darna”, pagwawakas ni Direk Erik Matti.

 

Ang “Honor Thy Father “(Con Man) ang opening film sa 2015 Cinema One Originals.

Ayon pa kay Matti, wala raw naman silang nilalabag na panuntunan ng MMFF kung ipinalabas nila ito sa isang special screening tulad ng Cinemaone filmfest dahil ipinagpaalam daw naman niya ito sa MMFF festival organizers at hindi maituturing na commercial screening ito dahil strictly invitational ito at walang involved na ticket selling.

Kilala si John Lloyd Cruz bilang isa sa mga bankable actors natin pagdating sa mga mainstream movies.

Pero, bilang artista, may gustong patunayan si John Lloyd kaya sumabak na rin siya sa paggawa ng independent films.

First indie niya ang pelikulang “Honor Thy Father” na idinirehe ng magaling na director na si Erik Matti. Ngayong Pasko, kalahok ito sa 2015 Metro Manila Film Festival.

 

“Gusto kong i-test ang audience. May clamor naman for alternative cinema, so magandang pagkakataon ito para iba naman ang ipakita ko,” ayon kay John Lloyd.

 

Sa palagay mo ba ay handa na ang mga fans at followers mo na mapanood ka sa isang offbeat role tulad ng papel mo rito sa “Honor Thy Father”?

 

“Curious din ako sa pelikulang ito. Gusto ko ring malaman kung handa na sila na mapanood ako sa kakaibang pelikula. Indie man siya o mainstream, I happen to be an actor… but at the end of the day, it’s both cinema, so trabaho lang pareho iyon para sa akin,” paliwanag niya.

 

Aminado rin si John Lloyd na nahirapan siya during the shoot ng pelikula nila ni Matti.

Sa katunayan, nagpakalbo pa siya para lamang sa pelikula.

 

honorthyfather“Ang difficulty lang marahil ay iyong pagbabagong hinarap ko simula noong filming namin. First time ko kasing makatrabaho si Direk Erik. So, siguro iyong adjustment lang noong nagsisimula ako kasi nasanay ako sa mainstream,” kuwento ni John Lloyd.

 

Dahil sa pagmamahal ni John Lloyd sa kanyang craft, hindi alintana ng actor na ma-deglamorize siya kesehodang lumusong at maglunoy sa putikan, at hindi magpadobol sa mga maseselang eksena niya sa pelikula.

Iyong paglabas mo ba mula sa mainstream to indie films ay isang career move?

 

“Career move? I don’t know. Gusto lang naming gumawa ng pelikula. Maging parte ng sine at ng sining at bibihira namang pagkakataon na maimbitahan kang gumawa ng ganitong klaseng panoorin,” sey niya.

 

Malaking impluwensiya ba ang “Honor Thy Father” sa pagpayag mo na gumawa pa ng isang indie tulad ng “Hele sa Hiwagang Hapis” ni Lav Daz?

 

“Actually, tinanggap ko iyong “Hele” dahil it’s an opportunity sa akin na makatrabaho ang one and only Lav Diaz. Kahit naman siguro sinong actor, gusto rin siyang makatrabaho,” bulalas niya.

 

Papel ni Edgar na ang buhay at pamilya’y nagulo nang masangkot sa isang investment scam ang ginagampanan ni John Lloyd sa “Honor Thy Father.”

Kabituin niya rito sina Meryll Soriano, Tirso Cruz III, Dan Fernandez, Perla Bautista, Kahlil Ramos, William Martinez, Yayo Aguila, Lander Vera Perez at marami pang iba.

Bago pa ipalabas ang “Honor Thy Father,” mauunang mapapanood si John Lloyd sa “A Second Chance” ng Star Cinema kung saan ire-reprise niya ang role ni Popoy.

 

“Eight years rin bago nasundan iyong kuwento nina Popoy at Basha kaya excited rin ako sa mga nagbago sa kanila. Iyong journey nila. It’s a story worth sharing,” pagwawakas niya.

 

Best Regards,

Leave a comment

Leave a Reply