
Eula Valdez clarifies that she’s still in a relationship with Rocky Salumbides; rivals with Jean Garcia on ‘The Half Sisters’ of GMA 7’s afternoon drama
by Oghie L. Ignacio
Pitong taon na ang relasyon nina Eula Valdez at Rocky Salumbides na kasalukuyang nasa U.S. pero naiintriga ang matagal-tagal ng pananatili ng huli sa ibang bansa na bumisita sa kanilang parents at mga kamag-anak doon. Suspetsa ng iba’y baka tuluyan ng winakasan ng dalawa ang kanilang ugnayan kaya malabong bumalik na sa ating bansa itong si Rocky dahil nagkaroon daw sila ng matinding selosan at awayan ni Eula.
“That’s not true,” paglilinaw agad sa Philippine Showbiz Republic (PSR) ng aktres sa presscon ng ‘The Half Sisters’ ng Kapuso kung saan isa siya sa bagong karakter na pumasok sa nabanggit na afternoon prime ng nasabing network.
“Natural lang sa magkarelasyon na ano… may mga selosan factor at argumento. Pero ‘yung sa amin ni Rocky, mga petty quarrels lang naman,” paliwanag pa niya. “Madali naming naaayos at napapag-usapan ‘yung mga bagay na hindi namin kailangang problemahin,” aniya pa.
“Sa tagal na ng aming relasyon na almost mag-i-eight years na this year eh, wala ng dahilan para magpaapekto pa kami sa intriga ng iba. Atsaka, nasa U.S. siya para bisitahin ang pamilya nila. Kaya babalik pa rin siya. And I just want to clarify that thing to those people na gusto lang intrigahin kami,” sey pa nito sa amin.
Wala ring problema sa mga anak ni Eula ang loveness nila ni Rocky kaya kahit konting pangamba’y hindi nakaka-ramdam ang magaling na aktres kaya bakit pa nga naman niya poproblemahin ang mga maling tsismis sa relasyon nilang dalawa ng kanyang lovey ‘di ba?
“Kasundo siya ng mga anak ko at ramdam ko ‘yung pagmamahal ni Rocky sa kanila. So, there’s no reason at all para isipin ko pa ‘yung ginagawa nilang isyu sa amin. At mababait ‘yung mga anak ko. Naiintindihan nila kung saan masaya ang kanilang mommy,” katuwiran pa niya.
Meaning, kahit wala silang sariling anak ng kanyang long time lover ay okey lang lalo’t malaki ang respeto at ipinararamdam na pagmamahal ni Rocky sa mga anak ni Eula nga pati na rin ang mga ito sa huli.
“That’s really true, kaya nga wala talaga kaming nagiging problema for whatever loveness that we have…masaya kami pati na mga anak ko na sobrang love din ni Rocky na parang tunay niyang mga anak,” tuluy-tuloy pa ring pahayag ng aktres.
Sa paglabas ni Eula sa afternoon prime na ‘The Half Sisters’ ng GMA 7 ay may tapatan at labanan daw magaganap sa kanila ni Jean Garcia in terms of acting. Sila kasing dalawa ang sinasabi ng ibang mahigpit na magkaribal. Hindi kaya may intimidation na nagaganap sa pagitan nila kapag magka-eksena ang dalawa sa nasabing drama show?
“Sa akin wala naman,” mabilis niyang sagot. “Gamay na namin ni Jean ang isa’t-isa dahil hindi lang naman ito ‘yung first time naming magkasama sa isang drama series. Minsan nga after na kunan ang eksena naming dalawa, nagkakatawanan lang kami,” sabi pa nito.
“Hindi ko naman kasi napi-feel na kalaban ko si Jean. Although, I admit na ano…’yung sinasabi nilang rivalry ay nakakatulong sa aming pareho at du’n kami kumikita. Pero sa pagiging magkaibigan namin…wala kaming naging problema. Nagtatrabaho lang kaming pareho at bilang mga artista, may responsibility kami sa televiewers na ano…dapat maging natural ‘yung atake namin sa aming role,” magandang lahad pa ni Eula sa aming panayam.
Ngayon palang ay tiyak na nagpipista na ang kani-kanilang mga miron para sabihing may mas magaling at lulutang sa mga eksena nilang dalawa sa ‘The Half Sisters’ na patuloy ang magandang stand sa ratings sa hanay ng afternoon prime ng Kapuso.
Follow me…