May 23, 2025
Eula Valdez cries over her first Urian award
Home Page Slider Latest Articles

Eula Valdez cries over her first Urian award

Jun 18, 2015

Ruben Marasigan
By Ruben Marasigan

Eula Valdez.002

Nagmistulang parang bata si Eula Valdez nang manalong best actress sa Gawad Urian na ginanap kamakailan lang sa Studio 10 ng ABS CBN. Halos magtatalon sa stage during her acceptance speech, nanginginig na tila hindi na alam ang sasabihin habang mahigpit na hawak ang kanyang trophy.

Kung tutuusin, sanay na siyang tumanggap ng acting award kasi ilang best actress trophies na rin ang kanyang napanalunan. Pero sa Gawad Urian, para bang iyon ang kauna-unahang beses na nanalo siya. Sobrang naging emotional si Eula na tumatawa and at the same time ay humahagulhol habang nagpapasalamat para sa nabanggit na parangal.

“Nanunuyo ang lalamunan ko!” unang nasabi ni Eula nang makausap ng Philippine Showbiz Republic (PSR) pagkatapos ng awards night.

“Nanginginig pa rin ako hanggang ngayon. Siguro halo na pagod, puyat, at excitement. At yung hindi ako makapaniwala!”

Ang agang dumating ni Eula para sa awarding ceremony ng Urian. Ang call time ay 5:30 ng hapon pero nagsimula ang event bandang 7:30 na ng gabi.

“Wala pa akong tulog. Galing ako sa taping na inabot ng umaga. Tapos may meeting ako hanggang 3:00 pm kaya nag-segue na ako dito. Dapat nga hindi na ako maniwala sa call time. Kasi kanina pa akong alas kuwatro dito.”

Pero it’s worth the wait naman. Dahil nanalo nga siyang best actress at tinalo nito ang iba pang nominadong sina Nora Aunor para (Dementia), Angeli Bayani (Bwaya), Ai Ai delas Alas (Ronda), Eugene Domingo (Barber’ Tales), Hazel Orencio (Mula Sa Kung Ano Ka Noon), Angelica Panganiban (That Thing Called Tadhana) at Nova Villa (1ST Ko Si 3rd).

“Nagpapasalamat ako siyempre sa mga manunuri ng Gawad-Urian. Kasi naniwala sila doon sa ‘Dagitab,’” pagtukoy niya sa pinagbidahang indie film kung saan ilang beses na siyang nanalong best actress bago ang sa Urian.

“Nagpapasalamat din ako sa direktor namin kasi ginabayan niya kami. And… mabuhay ang indie films.”

After ng pananalo niyang muli ng award, ano ang sunod niyang plano?

“Matulog! Antok na antok na po kasi ako,” sabay tawa niya. “Tapos taping ulit bukas. Pero… gabi ang calltime ko. Halleluiah!,”tawa na naman niya.

“Makakatulog na ako. At saka katabi ko itong matulog,” pagtukoy niya sa napanalunang Gawad Urian trophy.

Hindi raw niya ini-expect na mananalo siya. Lalo pa at kabilang nga sa nominado si Nora Aunor na bago ang announcement ng best actress winner ay nauna nang binigyang ng Natatanging Gawad Urian para sa malaking kontribusyon niya sa industriya ng pelikulang Pilipino at hindi matatawarang husay bilang isang aktres.

“Hindi talaga ako nag-expect. Korek! Bukod kay Nora, nandiyan din si Angeli (Bayani) na kung ituring ay ‘Philippine treasure’ (sa sining ng pag-arte) kaya nagpa-selfie ako sa kanya. Hindi talaga ako nag-i-expect. As in… wala. Ang balak ko lang ay pumunta ngayon para rumampa at para magpa-selfie sa mga nominado!,” nanginginig pa rin at natatawang sabi ni Eula.

“Dahil sobrang magagaling ‘yung mga nominado para sa akin. Gusto ko lang magkaroon ng larawan kasama silang lahat. Sabi nga nila, ‘kinakabahan ka ba, ano ang pakiramdam mo?’ Sabi ko,‘wala. Wala akong nararamdaman. Wala lang.’”

“Basta masaya lang ako na nakasama lang ako sa hanay ng mga nominado, okay na sa akin iyon, e. Maraming-maraming salamat sa mga manunuri sa Gawad Urian. Kumpleto na po ako! Ito na lang kasi ang kulang ko. Kaya espesyal sa akin ang award na ito. Hindi ko po talaga ito ini-expect. Maraming-maraming salamat sa direktor ko.”

“Hindi pa rin ako makapaniwala. Totoo ba ito? Salamat din po sa manager kong si Ricky Gallardo. At sa mga kasamahan ko. Kay Mr. Nonie Buencamino, kay Martin del Rosario. Maraming salamat po. Lord maraming salamat. Mahal na mahal ko po ‘yung trabaho ko. Maraming-maraming salamat po sa inyo. At katulad po ng sinabi ni Ms.
Nora Aunor… ‘mahalin mo ang trabaho.’ At mula po noong pagkabata ay wala na akong ibang pinangarap kung hindi ang mag-artista po.”

Leave a comment

Leave a Reply