May 23, 2025
Every aspect of the viral video was hideous, weak and unacceptable—Monsour del Rosario reacts on Ateneo bullying video
Latest Articles

Every aspect of the viral video was hideous, weak and unacceptable—Monsour del Rosario reacts on Ateneo bullying video

Dec 21, 2018

Nagkalat sa social media ang video ng pambubully ng isang estudyante mula sa Ateneo. Sangkot sa video ang taekwondo black belter at gold medalist na si Joaquin Montes, na tinawag ng karamihan na “bastos” at “hindi pinalaki nang tama ng mga magulang.”

Sa panig ng mga psychologists at mental advocates, dapat masolusyunan ang ugat ng pambubully ng bata. Isang seryosong usapin ito lalo na’t mga bata ang involved sa bullying.

Nagbigay na rin ng iba’t ibang reaksyon ang mga politicians kaugnay ng bullying issue sa Ateneo. 

Naglabas ng saloobin ang action superstar at Congressman Monsour del Rosario sa isyung ito.

“Yes, none of us are perfect — we’ve all made our mistakes and should not judge people loosely. But to the parents of the bully, let’s be very clear here, this is as firm a judgement as you will ever get from me: Your son is a FAILED representation of our beautiful sport.

“Every aspect of the viral video was hideous, weak and unacceptable.

“RAISE YOUR CHILDREN BETTER. LET’S ALL RAISE OUR CHILDREN TO BE BETTER. LET’S RAISE OUR SONS — PARTICULARLY THOSE IN THE MARTIAL ARTS — TO BE GOOD MEN.”

Nagpa-blotter na ang magulang ng estudyante ng Ateneo junior high school na binugbog ng kaniyang kaeskuwela sa loob ng CR at nakatakdang magbibigay ng statement.

Si Monsour Del Rosario ay Congressman at kaisa-isang non-Korean of all time to be inducted into the Taekwondo Hall of Fame. Ngayon ay tumatakbo syang Vice Mayor ng Makati City under Junjun Binay.

Leave a comment