May 23, 2025
Everybody awaits Kim Chiu’s reaction on Maja-Gerald breakup
Latest Articles This is it!

Everybody awaits Kim Chiu’s reaction on Maja-Gerald breakup

Apr 20, 2015

Rommel_Placente
by Rommel Placente

kim-chiu-no-1Ngayong kinumpirma na ni Gerald Anderson na hiwalay na sila ni Maja Salvador, ano kaya ang magiging reaksyon ng ex niyang si Kim Chiu? Ikatuwa kaya niya ang paghihiwalay ng dalawa? Matatandaan na nasira ang friendship nina Maja at Kim nang makarelasyon ni Maja si Gerald.

Maja-Salvador-Gerald-Anderson1-300x300Hindi yun matanggap ni Kim dahil nung nakipaghiwalay siya kay Gerald ay si Maja ang naging shoulder to cry on niya since bestfriend niya ito. Pero nalaman na lang ni Kim na si Maja ang ipinalit sa kanya ni Gerald na naging dahilan nga para sumama ang loob niya rito at masira ang pagkakaibigan nila. Pero bago pa man mag-break sina Maja at Gerald ay nagkaayos na sina Kim at Maja. Pero ano nga kaya ang magiging saloobin ni Kim kapag nakarating na sa kanya ang paghihiwalay nina Maja at Gerald?
[divider]

Vice Ganda denies gap with BFF Kris Aquino: “Kris and I share everything.” –Vice Ganda

092812_ViceGanda Nag-deny si Vice Ganda na may alitan o tampuhan na namamagitan sa kanila ngayon ng kaibigang si Kris Aquino na ang pinag-ugatan daw nito ay dahil umano sa blog at signature shirts na idea ni Vice, pero inunahan daw siya ni Kris na gawin ito.
“Alam mo, hindi namin alam kung kaninong addict nanggaling ‘yan.

Tinanong nga ako, ‘Oy, may issue sa iyo, ganyan-ganyan, ano sasabihin ko?’ Sabi ko, ‘Tanong mo na lang kung kaninong addict nanggaling ‘yang issue na ‘yan, hashtag shabu pa more!” sabi ni Vice. Dagdag niya, “Hindi ko alam kung ano ang intensiyon ng mga tao, pero nakakadiri lang. Ang tanda-tanda namin para mag-away sa T-shirt. Ano kami, mga bata? We share everything. Kris and I, we share everything.”

[divider]

Carl Saliente has what it takes to make it big in showbiz

TB_0hDMQ Isa si Carl Saliente sa nangangarap na pasukin ang daigdig ng showbiz na sa tingin namin ay hindi malayong matupad ang pangarap niyang ito. Bukod kasi sa artistahin ang hitsura niya ay talented pa siya. He can sing, dance and act. Sa drama gustong makilala ni Carl at ganoon din sa pagsasayaw. Sina Kim Chiu at Coco Martin ang mga paborito niyang artista na gusto niyang makatrabaho in the future.

Very supportive naman ang parents ni Carl na sina daddy Marvin at mommy Maidja sa hilig niya sa pag-aartista. Pero siyempre, ang gusto ng mga ito ay hindi pa rin pababayaan ni Carl ang kanyang pag-aaral kahit nasa showbiz na siya.

Leave a comment

Leave a Reply