
Exciting entries this Cinema One Originals 2019
Inanunsyo na ang mga walong finalists sa ika-15 edisyon ng Cinemaone Originals filmfest na gaganapin sa Setyembre ngayong taon.
Ito ay ang religious drama/mystery na Ascendant ni Sherad Anthony Sanchez, ang romantic fantasy na Lucid nina Natts Jadaone, Victor Villanueva at Dan Villegas, ang coming of age drama na Metamorphosis ni J. S. Tiglao, ang vampire thriller na O ni Kevin Dayrit, ang relationship drama na Sila-sila ni Giancarlo Abrahan, ang romance drama na Tayo Muna Habang Di Pa Tayo ni Denise Ohara, ang action thriller na Utopia nina Dustin Celestino at Dustin Uy at ang comedy na Yours Truly, Shirley ni Nigel Santos.
Ang Ascendant ay sa pagsisiyasat ng isang Mother Superior sa mga madreng nasasakupan hinggil sa misteryosong pagkamatay sa kanyang kumbento.
Ang Lucid ay tungkol sa dalawang taong nabubuhay sa kakaibang mundo ng kanilang mga pangangarap.
Ang Metamorphosis ay kuwento ni Adam na ipinanganak na nagtataglay ng dalawang ari.
Ang O ay tungkol sa isang makabagong kuwento ng isang morgue-intern at vampire “drug lord” at sa kanilang naging kasunduan.
Ang Sila-sila ay tungkol sa isang bading na muling nagulo ang tahimik na mundo nang makatagpo ang dating ex at mga kaibigan sa isang high school reunion.
Ang Tayo Muna Habang Hindi Pa Tayo ay tungkol sa babaeng nasubok ang paniniwala sa pakikipagrelasyon nang malamang ang lalakeng minahal niya ay hindi pa handa rito.
Ang Utopia ay tungkol sa umaatikabong aksyon sa pagtatagpo ng isang videographer, isang police officer at undercover agent sa kanilang pakikibaka sa karahasan ng lungsod.
Ang Yours Truly, Shirley ay pumapaksa sa kuwento ng isang 50 anyos na biyuda na naniniwala ang isang batang pop star ay reincarnation ng kanyang namayapang asawa.
Ayon sa festival director nitong si Ronald Arguelles, ang mga napiling kalahok ay pagkakalooban ng P3 milyon production budget.
Mula sa 130 entries, ang walong finalists ay pinili ng selection committee na kinabibilangan nina Ronald Arguelles, Black Sheep head Kriz Gazmen, iWant creative manager Nico Hernandez, Rappler film critic Oggs Cruz, at film writers Jinky Laurel at Lilit Reyes.
Ang biggest lineup na ito ay magiging bahagi ng ikasandaang taon ng pagdiriwang ng Philippine cinema at ika-25 taong selebrasyon ng leading cable channel na Cinema One.