May 22, 2025
FAMAS honors Laguna governor Ramil Hernandez
Latest Articles

FAMAS honors Laguna governor Ramil Hernandez

May 10, 2019

Para sa incumbent Laguna governor na si Ramil Hernandez, naiintindihan niya ang pulso ng masa.

Paliwanag pa ng butihing ama ng lalawigan ng Laguna, importante sa isang public servant na naiintindihan ang pulso ng masa para matugunan nang tama ang kanilang mga pangangailangan.

Laki rin sa hirap si Governor dahil naging working student siya noon sa Colegio de San Juan de Letran bago siya nakapagtapos ng  komersyo.

Katunayan, itinanghal siyang best student researcher  noon  sa nasabing pamantasan noong  1993.

Noon pa man ay nakitaan na rin siya ng potensyal sa pamumuno dahil  naging presidente siya ng kanilang student organization at naging aktibo bilang corps commander sa Citizen Advancement Training.

Napakalawak din ng karanasan niya sa serbisyo publiko dahil naging Sangguniang Kabataan chairman siya noong 1993.

Naging pangulo rin siya ng National Movement of Young Legislators-Laguna chapter at naging three-term councilor ng Calamba kung saan siya nakilala bilang action man ng nasabing bayan.

Noong 2004, gumawa rin siya ng kasaysayan bilang kauna-unahang bokal nag-numero uno sa lalawigan ng Laguna kung saan naging majority floor leader siya ng Sangguniang Panlalawigan.

Siya rin ang may hawak ng record bilang pinakabatang bise-gobernador na nanalo sa nabanggit na lalawigan.

Marami na rin kasi siyang naiambag sa pagsulong ng kaunlaran ng Laguna lalo na iyong may kaugnayan sa kabuhayan at pagsulong ng interes ng kanyang mga kababayan.

Kung serbisyong publiko naman ang pag-uusapan, hindi ito matatawaran kaya nga siya ang ginawaran ng prestihiyosong Famas ng Excellence in Public Service award kamakailan.

Sey niya, tropeo niyang maituturing ang makapaglingkod sa kanyang mga kababayan.

Mula nang maupo, isinulong na niya ang pamahalaang nakaugat sa serbisyong tao at hindi sa propaganda o paninira dahil iyan ang kanyang mandato bilang ama ng lalawigan ng Laguna.

Leave a comment