
Famous boy band Chicser, now acting
Artista na ang famous boy band na Chicser dahil sila ang featured artists sa ‘Wattpad Presents: Ex Ko ang Idol N’yo’.
Sanay kayo sa singing, hindi ba kayo nanibago sa acting?
“Noong una, nanibago. Pero dahil na-overwhelm kami kay Marvelous. Na-challenge kami at so far, hindi naman kami nahirapang mag-adjust. Para kasing ang tagal na naming magkakilala,” pag-amin ni Ranz Kyle ng Chicser.
Ano ang kaibahan ng roles ninyo rito kumpara sa ginagawa ninyo kapag nagpe-perform kayo as a boy band?
“Dito kasi nakapokus iyong kuwento sa akin. I play the role of Calix, dating boyfriend ni Marvelous na naging very popular celebrity at hinahabol ng mga girls,” sey ni Ranz Kyle.
Hindi ba nagkaroon ng inggitan dahil support lang kayo kay Ranz Kyle rito?
“Hindi naman siya big deal sa amin. Kung aangat naman si Ranz, proud rin kami dahil dala niya ang pangalan namin. Pero, iba iyong chemistry namin kung magkakasama kami,” paliwanag ng ibang miyembro ng Chicser.
Kung sakali bang may mag-o-offer sa iyong mag-solo, iiwan mo ang grupo, Ranz?
“Masaya ako na kasama ang grupo ko. Kumportable rin kami even before we started. Siyempre, preferred ko, na kasama ang grupo dahil doon ako nakilala,” pagtatapat ni Ranz Kyle.
Saan kayo mas kumportable, sa singing o sa acting?
“Halos, pareho naman. Kasi iyong role namin rito ay almost close rin sa ginagawa namin as a boy band,” tugon ni Ranz.
Ang ‘Wattpad Presents: Ex Ko ang Idol N’yo’ ay kuwento ni Chanel na ginagampanan ni Marvelous Alejo na gagawin ang lahat para makuhang muli ang atensiyon ng kanyang ex-girlfriend na isa nang popular celebrity na hinahabol ng mga babae.
Base sa istoryang isinulat ni Shaicee ang ‘Ex Ko ang Idol N’yo’ na nakapagtala na ng 4.8 million reads at 41,000 votes sa Wattpad.
Ang kilig seryeng ito ay mapapanood mula February 23 hanggang 27, Lunes hanggang Biyernes sa ganap na alas-9 ng gabi sa TV5.
Follow me…