
Is farm owner Dimples Romana ready for a second baby?
Kahit busy sa tapings ng Bagani at maging ng Kabuhayang Swak na Swak, nabibigyan pa rin ni Dimples Romana ng quality time ang kanyang asawa na si Boyet Ahmee whom she is happily married for over a decade now at ang kanilang napaka-cute at poging anak na si Alonzo who is only three years old.
Baka two years from now ay pwede na raw nilang sundan o bigyan ng kapatid ang jonakis nila.
Sa ngayon ay abala rin ang mag-asawa sa pagpaplano ng mga negosyo, gaya ng isang retreat house sa Tagaytay kung saan sila may property.
May two-hectare mango farm din sila sa Calaca, Batangas.
The last time na nakapag-harvest daw sina Boyet at Dimples ng kalabaw na mangga ay umabot ito ng 600 kaing na ipinamahagi nila sa kanilang mga pamilya at kaibigan.
Once a year daw ang harvest time. Next time ay aayusin na raw nila kung saan sila mag-supply for business. Balak din nilang bumili ng condominium units at ipa-renta.
Naka-chikahan namin ang aktres sa grand opening recently ng 12th branch ng Asia’s Lashes sa Lourdes Suites sa Kalayaan Street sa Makati, near Makati Avenue na isa s’ya sa business partners together with her good friend, Leah Urbani, na ninang ni Alonzo.
Kasama nina Dimples at Leah sa naturang event si Dianne Medina at komedyanang si Kitkat na ang kuya pala ay best friend ng mister ng una since college, kaya matagal na raw silang magkakilala at close.
•••••••••••••••••••••••••••••••••••
May kuwela at guwapo rin palang pinsan ang dalawang magagaling na aktor na sina Raymond at RK Bagatsing na nasa sidelight lang. Ito ay ang 42-year-old na si Don Bagatsing na dating naging konsehal sa Maynila.
Hindi man nakilala sa showbiz tulad nina Raymond at RK, na-try daw ni Don na mag-cameo role bilang lawyer noon sa isang palabas. Kahit bit role ay okey lang daw sa kanya na i-try muli ang pag-arte.
But since hindi nag-pursue sa pag-a-artista at isinangtabi na ni Don ang pulitika simula nang hindi s’ya pinalad manalo bilang vice mayor ng Manila several years ago, minabuti na lang n’ya na magtayo ng negosyo which is Dormitels.ph na sobrang mura at malinis na matutulyang dorm at hotel in one sa Earnshaw sa Maynila, Bonifacio Global City o The Fort, Bohol, Boracay, El Nido, Palawan, at soon to open in Cloud 9 in Siargao.