
“Being a father is a blessing that’s even better than winning a fight.” – Nonito “The Filipino Flash” Donaire
by Mary Rose Antazo
Ang pagiging magulang ay isang kakaibang karanasan. Nababago nito ang pananaw ng isang tao sa buhay, mga prayoridad, pamumuhay at iyong buong pagkatao.
Ganito rin ang paniniwala ng sikat na boksingero na tinaguriang “The Filipino Flash” na si Nonito Donaire nang dumating ang kanyang panganay na si Jarel sa buhay nila ng kanyang kabiyak na si Rachel.
Napakasaya ni Donaire ngayong malapit na naman madagdagan ang miyembro ng kanyang pamilya sa pagsilang ng ikalawa niyang anak.
“Being a father is a blessing that’s even better than winning a fight, fame or whatever wealth one can have. It just makes me proud seeing how my eldest figures out colors, numbers and all that stuff,” pagbabahagi ni Nonito.
“I’m also excited to see my second baby boy. The feeling is something you can’t compare with.”
Kinumpirma ni Nonito na nagdadalang-tao nga at manganganak na ang asawang si Rachel kaya hindi ito makakasama o makakadalo sa kanyang laban kay William Prado sa Pinoy Pride 30: D-Day sa presscon nito sa Gloria Maris restaurant sa Gateway Mall.
“It pains me to be away from them for so long, masakit talaga,” aniya, at nakuwento din niya na ayaw bitawan ng panganay ang kanyang kamay nang nasa airport na sila.
Nang tanungin siya kung papayagan ba niya ang anak na si Jarel mag-boksing at sundan ang yapak niya, hindi siya nagpatumpik-tumpik pa nang sabihing “Jarel is free to choose on his own. I’ll be there to support him whether it will be boxing or if he decides to pursue soccer. He’s free to choose whatever he wants or kung saan siya interested.”
Ibinunyag din niya na hindi puwede mag-TV sa kanilang bahay dahil may training sa soccer ang anak tuwing weekend. “He’s also disciplined and well-trained you know,” sabi ng former five-division champion habang tumatawa.
Nagsisilbing pampalakas ng boksingerong kilala bilang The Filipino Flash ang pagkawalay sa kanyang pamilya. Ang kanilang “mini-reunion” pagkatapos ng bakbakan sa Pinoy Pride 30: D-Day, na gaganapin sa Marso 28 sa Araneta Coliseum, ang nagtutulak sa kanya para magtagumpay sa kanyang comeback fight.
Handog ng pinagsamang lakas ng ABS-CBN Sports at ALA Promotions ang Pinoy Pride 30: D-Day na pagbibidahan nina WBO Flyweight champion na si Donnie “Ahas” Nietes at Nonito “The Filipino Flash” Donaire, Jr. sa Big Dome sa Marso 28, Sabado, 6pm. Ito ay maaaring mapanood ng live sa Skycable Pay-Per-View at ipapalabas sa ABS-CBN at ABS-CBN Sports+Action sa March 29, Linggo, 9:45am.
Follow me…
Mary Rose G. Antazo
@maryroseantazo
/balot9