May 23, 2025
Father, Dennis Padilla and daughter, Julia Barretto’s kiss and make up
Latest Articles

Father, Dennis Padilla and daughter, Julia Barretto’s kiss and make up

Mar 5, 2015

mildred@bacud

 

 

 
by Mildred A. Bacud

Natapos na rin ang isyu sa pagitan ng mag-amang Dennis Padilla at Julia Barretto. Sa Instagram post last week ng young actress unang lumabas ang larawan nila ng ama na masayang magkasama.

wawawaasdasda

Last Sunday ay marami ang nag-abang sa interview ni Dennis pero hindi ito natuloy. Ayon sa host na si Boy Abunda, hindi to na-air dahil sa kakulangan ng oras at sa Aquino and Abunda Tonight na lamang daw ito ipapalabas.

Sa taped interview na nga ito ng actor-comedian ay sinabi niyang napag-usapan nilang mag-ama ang tungkol sa pagpapalit ng apelyido ni Julia na may totoong pangalan na Julia Francesco Barretto.

Sabi raw niya sa anak, “Alam mo, anak, kung sinabi mo sa akin earlier na gusto mo ipatanggal ’yung family name, kung anuman ’yung reason mo, mas matatanggap ko. Sasabihin ko pa sa’yo, ‘Sige, Julia, if you will be happy with it, sige, papayag ako.’” Gusto raw niyang magkaroon ng peace of mind ang anak.

Positibo naman ang kinahinatnan ng pag-uusap nilang mag-ama. Sinabi rin ni Julia sa presscon niya kahapon na hindi na itutuloy ng kampo niya na papalitan ang kanyang apelyido mula Barretto sa Baldivia.

Naganap daw ang pag-aayos ng maging guest contestant si Dennis sa game show na Kapamilya Deal or No Deal. Pinuntahan daw siya ng anak sa dressing room niya. Sa pagkakataong ‘yun ay inabot daw nya ang tatlong imbitasyon para sa kanya, sa ina nito at kasalukuyang kinakasama nya.

Kung ano ang napag-usapan nila, sabi niya, “Ang nasabi sa akin ni Julia nu’ng nagtatawanan na kami, ‘Pa you wear something nice sa debut ko.”Nagbigay naman ng mensahe si Dennis sa mga bashers ng anak na patuloy na nagsasabing bumaba ang popularidad nito, “’Wag na natin pagusapan ’yan, kalimutan na natin ‘yang mga nangyayari kasi sayang ang buhay.”

Umaasa naman ang actor-comedian na magkaayusan sila ng ina ng anak na si Marjorie. Kung di man daw sila maging magkaibigan ay maging civil man lang.

Follow me…

social  networkingMildred Bacud
@dredzbacud
/mildredamistadbacud

Leave a comment

Leave a Reply