May 24, 2025
“I feel blessed to be given this opportunity to host my own travel show”  – Ken Alfonso
Latest Articles T.V.

“I feel blessed to be given this opportunity to host my own travel show” – Ken Alfonso

Mar 19, 2015

Ruben Marasigan
by Ruben Marasigan

Touchdown

Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ni Ken Alfonso hinggil sa kanyang travel show na Touchdown na magsisimulang umere sa Sabado, March 21, 11:30 am, sa GMA News TV 11. Ito kasi ang unang pagsabak niya bilang host ng isang programa.

Ken

“I feel blessed na pinagkatiwalaan po ako ng GMA News TV para sa proyektong ito,” sabi ni Ken. Naniniwala si Ken na hindi niya dapat sayangin ang tiwalang ipinagkaloob sa kanya.

Nagkaroon ba siya ng espesyal na paghahanda para rito?

“Wala po naman po actually akong formal preparation bago kami na nagsimulang mag-taping,” sabi niya nang makausap namin noong Miyerkules, March 18, sa Chef’s Noodles sa basement ng Robinson’s – Magnolia sa Aurora Boulevard, Quezon City.

“Pero before po kasi, nagkaroon na rin ako ng hosting stints sa mga corporate events at sa mga out of town shows din. So ‘yon lang bale ang masasabi kong parang naging training ground ko.

“And well… kasama na rin po ‘yong mga research din. Para kahit konti ay may karagdagang idea ka. “Sobrang happy po ako na magkaroon ng sarili kong travel show for the first time ever. Plus… dream ko rin talagang magkaroon ng isang travel show, e.”

ariellaSa first and second episode ng nabanggit na travel show, si Ms. Universe 2013 3rd runner up Ariella Arrida ang kanyang guest co-host. Magkasama sila sa pagpi-feature ng ilang paboritong pasyalan sa Hongkong at maging ng luxury cruise ship na Star Cruise.

“Four days and three nights po kami roon. At talagang nag-enjoy kami ni Ara (nickname ni Ariella).”Nangiti si Ken nang biruin namin na bagay naman nga sila ni Ariella. Pareho silang talent ng Mercator ni Jonas Gaffud kaya hindi nakapagtataka kung close man sila.

Ano ang mga bagong na-discover niya rito sa apat na araw na pagsasama nila sa Hongkong.
“Si Ara, malakas pala siyang kumain ng kanin!” sabay tawa ni Ken.
“Ang payat niya pero Magana siyang kumain. At saka mahilig siya sa mani.”

Pareho silang loveless, wala ibang katiting na romantic angle na nabuo habang nasa Hongkong sila?

“Wala naman po,” nangiting sabi ng actor-TV host.

“Siguro ngayon, medyo ano pa lang kami…. Nagpu-focus muna kami sa mga careers namin.

“Tapos si Ara, makikita n’yo naman sa mga posts niya na ang hilig niya talaga sa ngayon ay mag-travel nang mag-travel.

“Sabi nga niya sa akin… while you’re young, habang you’re able pa to go on vacation just travel and travel lang.

“Kaya nga natutuwa ako na magkaroon ng travel show. Now I get to travel for free and at the same time nakakapagtrabaho rin.”

Bukod sa Hongkong, may mga episodes din daw ng Touchdown na kinunan nila sa Japan, at sa ilang bahagi ng Europe gaya ng Germany, France, London, Switzerland, and Northern Ireland.

“Si Pia Wurtzbach ang guest co-host ko sa Japan. Tapos si Venus Raj naman do’n sa Europe.”

Nag-taping raw sila no’ng Japan episode ng Touchdown bago sumali si Pia sa Bb. Pilipinas at nanalong Bb. Pilipinas-Universe.

“Nakaka-proud na nakasama ko siya. Na pagkatapos ko siyang maging guest co-host ay beauty queen na siya ngayon.
“So… I’m happy for her.”

Mga beauty queens ang mga nagiging ka-close niya. Hindi malayong sa isang beauty queen nga siya ma-inlove one of these days.

“May posibilidad nga po siguro. Wala naman pong ano… tingnan natin.”

Sina ba kina Ariella, Venus, at Pia, ang talaga pinaka-close sa kanya ngayon?

“Si Ara (Ariella) po. Kasi kalog na kalog siya, e.

“Nasasakyan niya ang jokes ko. Nasasakyan ko ang jokes niya.

“At saka siya rin po kasi ang pinakamadalas kong nakakasama lately. May mga events at hosting jobs na nagkakasama kami at saka pati sa mga out of town shows.”

Sa mga kilalang male TV hosts ngayon, sino ang gusto niyang sundan ang yapak?

“Si Luis Manzano. Spontaneous siya at saka witty.”

Si Toni Gonzaga, umani ng batikos dahil sa pagiging witty nito sa katatapos na Bb. Pilipinas Pageant. Ano ang reaksiyon niya sa isyung ito?

“Well wala naman po akong masasabing masama. I think one way din iyon para ma-relax ang crowd.

“And I guess wala naman pong ginawang masama si Ms. Toni that night. Basically para lang ma-relax talaga ‘yong crowd and nothing beyond that.

“Wala naman siyang anumang ibang intensiyon, e.”

Si Xian Lim, pinupuna naman na parang ang lamya raw bilang host para sa isang pageant gaya ng Bb. Pilipinas. May mga instances daw na parang feminine ang dating nito.

“Parang sakto naman din po. Appropriate siya for the event.”

Maging si Ariella din na naging segment host ng Bb. Pilipinas kasama sina Venus Raj at Shamcey Supsup ay umaano rin ng pintas sa naging paraan ng paghu-host nito na bakyang-bakya raw at walang ka-class-class.

“Si Ara naman po, natural lang sa kanya ‘yon. Kumbaga, gano’n siyang tao at nagpapakatotoo lang siya.

“And kung anuman ang sabihin ng ibang tao as long as hindi naman totoo at alam niya sa sarili niya kung tama ang ginagawa niya… well okey naman po ‘yon, e.

“Like si Ara, nag-sorry naman siya sa Twitter niya,” panghuling nasabi ni Ken.

Leave a comment

Leave a Reply