May 23, 2025
“I feel blessed because not everyone’s given this opportunity to showcase their talents.”–Julia Montes
Latest Articles

“I feel blessed because not everyone’s given this opportunity to showcase their talents.”–Julia Montes

Mar 16, 2015

Rommel_Placente
by Rommel Placente

Image0000149 Pagkatapos magtambal sa defunct series na “Walang Hanggan”, balik-tambalan sina Coco Martin at Julia Montes sa “Wansapanataym Presents: Yamishita’s Treasure”.  Natutuwa si Julia na muling nakatatabaho si Coco.

“Siguro para sa akin ‘yung pinapangarap ko nasa level one, pero ang binigay ni Lord level ten na hindi ko ini-expect na aabot ako sa ganito. Ina-idolize ko talaga si Coco kasi parang pareho kami, nagsimula lang kami sa wala,” simulang sabi ni Julia sa panayam sa kanya ng Philippine Showbiz Republic (psr.ph) sa presscon ng “Wansapanataym Presents:  Yamishita Treasures”

Patuloy niya, ”Pumasok lang kami dito sa work na ito for money talaga, to help our family. Tapos ito nabigyan ng opportunity at napagkakatiwalaan. Iba, parang more than anything masaya talaga.

“Tini-take ko siya as blessing na rin na ganun kasi ganito ako ka-motivated sa work. Hindi lahat nabibigyan ng opportunity na maipakita nila kung anong talento meron sila. Siguro yun na rin yung masasabi kong edge ko sa ibang teenagers na may pinagdaanan akong ganito na until now siyempre hindi naman mawawala yun.

“Sabi ko nga every time na ay binibigay sa aking role, iniisip ko hindi lang pala ako ang may problema. Na-a-appreciate ko ang lahat ng taong may pinagdadaanan na problema,”

Dahil sobrang close si Julia kay Coco kaya naman nagagawa siyang payuhan nito kahit tungkol sa kanyang lovelife. Sinasabihan siya ni Coco na huwag munang tatanggap ng manliligaw dahil bata pa raw siya para makipagrelasyon.

Julia-Montes-and-Coco-Martin

“Hindi naman pigil. May mga advice lang siya and tama lang naman kasi parang nire-remind niya ako na binigyan ako ng opportunity and hindi lahat ng kabataan nabibigyan ng opportunity na ganito.

“Focus muna sa work.  Siya rin naman nag-advise. Siguro ngayon andun lang ako sa point na siyempre family pa rin talaga. Ako kasi ‘pag nagbigay ako ng time and effort, all out so gusto ko pag aabot na sa ganung point na magkakaroon ng relationship or anything, alam ko dapat sa sarili ko na settled na yung family ko,”

Follow me…

social networkingRommel Placente
@rommelplacente
/rommelplacente

Leave a comment

Leave a Reply