
“It feels like heaven each time I am rewarded for all the hard work I put on my craft.”-Piolo Pascual
by Mary Rose G. Antazo
Just in time ang dating ng Kapamilya actor na si Piolo Pascual noong 31st Star Awards for Movies last March 8 na ginanap sa The Theatre ng Solaire Hotel and Casino. Ilang minuto lang ay tinawag na Best Actor category kaya personal niyang tinanggap ang trophy for his best performance for the movie Starting Over Again. Inamin ng aktor na parang nasa langit siya every time nakakatanggap ng ganitong recognition dahil ibig sabihin daw nito ay napapansin ang effort na ibinibigay niya sa bawat pelikulang kanyang ginagawa.
Ikinatutuwa rin niya dahil hindi basta-basta ang mga nakalaban niya dahil nominated din sina John Estrada, Robert Arevalo at ka-tie pa niya si John Lloyd Cruz para naman sa pelikula nitong The Trial.
“It’s a validation, of course. But more than anything, it’s parang regalo. Reward for all the hard work that you put in and ‘yung pagmamahal mo sa craft mo at sa industriya. Kasi mahirap, mahirap ma-please mo yung kritiko at ‘yung mga tao. As much as you wanna ask for it, when it’s given, mas rewarding, mas masarap, ‘di ba? Kaya para akong nasa langit, ” sey ni Piolo.
Ngayon pa lang ay kino-consider na ng aktor na taon niya ang 2015 dahil sa sunud-sunod na blessings na kanyang natatanggap. Sobra-sobra nga raw ang kanyang pasasalamat sa Panginoon dahil ibang klase ang buhos ng blessings sa kanya and he can’t ask for more. Nakaka-humble lang daw talaga ang papuri ng mga taong naniniwala sa kanyang kakayahan bilang aktor. He is much blessed in all aspects of life.
Samantala, very open din si Piolo na mas lalo siyang nagiging inspiradong magtrabaho dahil na rin sa kanyang anak na si Inigo Pascual na pinasok na rin ang showbiz world. All-out ang support niya para sa anak.
Lagi raw niya itong pinapaalalahanan na lagi siyang nakaalalay para sa anak.
“I told him sa post ko sa Instagram, if and whenever he needs me, I’ll be there because I’m a father for life.
“Kung anuman ang maging problema niya, kung anuman ang reward, nandun ako with him.”
Ang kondisyon lang daw niya kay Inigo ay ang pagtuunan ng pansin ang studies nito. Kailangan daw nitong makatapos sa pag-aaral.
“My decision, my condition still stands. ‘Pag bumagsak siya sa pag-aaral niya, balik siya sa eskuwelahan.
“This [showbiz career] can always wait. May nakalaang puwesto para sa kanya sa industriya. If it’s for him, it’s for him.“Most important is ‘yung matapos niya ang pag-aaral niya, at least high school.”
Nanghihinayang lang si Piolo dahil hindi nasungkit ng anak ang New Movie Actor of the Year, mas masaya daw sana kung dalawa sila na nasa stage. Pero happy pa rin siya dahil nakuha nito ang special award na Celebrity Male for the Night sa Star Awards.
Follow me…