
Fil-Am model gets Manhunt PH title at 1st GLAM PH
Matagumpay ang idinaos na grand finals ng 1st Global Asian Models (GLAM) Philippines na ginanap sa Xylo at the Palace sa Bonifacio Global City sa Taguig kamakailan.
Tulad ng inaasahan, wagi sa kategoryang Manhunt Philippines ang Fil-am model na may dugong Ilokano na si Jeff Langan.
Nakatakda siyang mag-compete sa Manhunt International 2018 sa Gold Coast, Australia sa Disyembre 2, 2018 bilang kinatawan ng Pilipinas.
Kung mabibigyan ng pagkakataon, gusto rin ni Jeff na pumasok sa showbiz pero balak muna niyang ayusin ang kanyang pananagalog.
Wagi naman sa kategoryang Best Model of the World Philippines sina Samantha Lo at Aaron Davis.
Si Samantha ay tinanghal na Bb. Cebu Tourism noong 2017 samantalang si Aaron ay nag-aaral sa isang estudyante na mahilig sa sports tulad ng basketball.
Sila ang official representatives ng bansa sa Best Model of the World Male and Female categories na idaraos sa Istanbul sa Turkey sa Disyembre 8.
Tinanghal naming Global Asian Model Philippines winners sina Ella Lubay ng Sta. Rosa, Laguna at Vince Lenard Marcelo ng Bulacan.
Kasama sa premyo nila ay modelling contracts sa Thailand, Singapore at Philippines.
Tulad ni Samantha, pangarap din ni Ella na sumali sa Bb. Pilipinas pageant.
Ang kauna-unahang GLAM Philippines ay isang model search ng beauty queen maker at talent manager na si Jonas Gaffud.
Bukod kay Jonas, present din sa nasabing finals night ang Frontrow President na si RS Francisco na nagbigay ng awards sa mga nanalo.