May 24, 2025
Filipina model, jewelry designer tops Gemological Centers Inc
Latest Articles Rodelistic

Filipina model, jewelry designer tops Gemological Centers Inc

Jul 29, 2018

Isang Filipina ang nakapasa sa standard at nag-number one pa out of 287 students all over the world na nag-exam sa Gemological Centers Inc., isang International Gemology School na kilala at bihasa sa pagtuturo, paggawa at pagdedesign ng mga alahas.

Ang tinutukoy namin ay si Lue Reine de Guzman na isang Licesenced Gemologist, Jewelry designer/ Artisan at isang model.

Hindi akalain ni Lue na siya ang magta-top dahil ayon sa kanya ay magagaling at matatalino ang kaniyang mga kalaban lalo na ang nakakuha ng pangalawang puwesto na isang Sri langkan Jeweler.

Hindi nakakapagtakang masungkit niya ang unang puwesto dahil noon pa mang nag-aaral siya ay isa siyang Student achiever na consistent valedictorian and graduated Summa Cum laude.

received_10213951350512466

Bukod sa pagiging Gemologist, naipagpapatuloy pa rin niya ang iba pang gusto niyang ginagawa- ang pagiging ramp, and print model pati na rin ang pagiging tv endorser na nagsimula noong 13 years old siya.

Naging international model din siya na nakagawa ng commercial at pelikula sa Hong Kong, Indonesia at Malaysia.

Hindi naging madali ang lahat para sa anumang meron siya ngayon dahil minsan sa kaniyang buhay ay nakaranas siya ng problema at mga pagsubok.

Mula kasi sa pagmomodelo niya ay pinasok niya ang showbiz. Dito, ay nakaranas siya ng pang-aalipusta sa mga taong nakapaligid sa kaniya dahil sa kaniyang pagpapa-sexy.

received_10213951351312486

Hindi kasi tanggap ng pamilya niya ang kaniyang ginawa at ibang mga kaibigan. Dumating sa punto ng kaniyang buhay na sa pakiramdam nya ay wala siyang kakampi.

Pero ang lahat ng ito ay ginawa niyang inspirasyon para magsumikap at magtagumpay. Nakapagtapos ng pag-aaral with honors, nakapagpatayo pa ng mga negosyo at may career.

received_10213951349712446

Isa na nga si Lue Reine sa mga successful na personalidad sa ating bansa. Isang maituturing na inspirasyon na mula sa pagkadapa ay bumangon siya with flying colors. Ngayon nga ay kinikilala na siya sa mga larangang kaniyang pinasok.

Sa kasalukuyan siya ang model and Ambassadress ng Zi Dermasthetics and facial care center at CEO and Founder of Luedgsigns House of Jewelry. Kinukuha siyang mag-artista uli pero hindi ito priority ni Lue.

“Kinukuha ako to be an artista again but I’d rather be behind the scenes of the production. I also want to try directing movies and concerts.”

Leave a comment