May 22, 2025
Filmmakers Dexter, Allan, actress Lotlot reunite in new BL series
Latest Articles

Filmmakers Dexter, Allan, actress Lotlot reunite in new BL series

Oct 10, 2022

Bagong pasabog na BL (Boys Love) series ang Stay sa direksyon nina Dexter Paglinawan Hemedez at Allan Michael Ibañez.

Ang Stay ay handog ng production company nina Dexter at Allan na Team Campy Entertainment.

Magsisilbing reunion ito nina Dexter, Allan, at Lotlot de Leon after ng 1st Sem noong 2016.

Ang 1st Sem, na umikot sa mga international film festivals sa buong mundo, ay naging entry sa 2nd CineFilipino Film Festival noong 2016.

Humakot ng awards ang 1st Sem sa mga film festivals sa iba’t-ibang bansa.

Nagwagi ang 1st Sem bilang Best Debut Feature para sa mga direktor na sina Dexter at Allan sa All Lights India International Film Festival na ginanap sa Ramoji Film City sa Hyderabad sa India noong 2016.

Sa naturang film festival din sa India ay pinagkalooban naman ng special acting citation si Lotlot para sa mahusay niyang pagganap sa pelikula.

Pinarangalan naman ang 1st Sem ng Gold Remi Award mula sa 50th Worldfest Houston International Film Festival noong 2017 kung saan nagwagi si Lotlot bilang Best Supporting Actress.

Personal na dumalo sina Dexter, Allan, at Lotlot sa naturang film festival sa India at Amerika, kasama ang inyong lingkod.

Humakot din ng award ang 1st Sem sa mga film festivals sa South Korea, Canada, at marami pang mga bansa.

Samantala, gaganap bilang Grace si Lotlot sa Stay na ina ng bidang karakter sa serye na si Andre na gagampanan ng nagbabalik-acting na si Sebastian Castro na isa ngayong matagumpay na real estate agent sa Amerika.

Tampok din sa Stay ang American theater actor na si Ellis Gage bilang si Joshua, ang love interest ni Andre, at ang Filipino drag queen na based na sa US na si Bombalicious Eklaver bilang si Mikyla na bestfriend ni Andre.

Abangan sa Facebook page at Youtube channel ng Team Campy Entertainment (kumpanya na nag-produce ng Stay) ang marami pang updates, photos at videos, release date, at platforms tungkol sa nabanggit na BL series.

Labis-labis ang pasasalamat kay Lotlot ng dalawang filmmakers sa pagpapaunlak ng multi-awarded actress sa paanyaya nila na maging bahagi ng Stay.

At ayon kina Dexter at Allan, na-inspire sila sa tagumpay ng mga BL-themed projects na tulad ng Hello Stranger, Gaya sa Pelikula, at 2gether The Series kaya nagsikap silang makabuo ng sarili nilang BL series na ang kabuuan ay sa Amerika kinunan.

Leave a comment