June 10, 2025
Finally Garie has a movie: “Nakakakaba”
Latest Articles

Finally Garie has a movie: “Nakakakaba”

Jul 24, 2018

Si Garie Concepcion ang bidang babae sa pelikulang “The Lease” mula sa Utmost Creatives, na katambal ang Italian actor na si Ruben Maria Soriquez.

Isa itong psycho-horror-thriller film, mula sa direksyon ng Italian director na si Paolo Bertola.

Bongga si Garie dahil sa una niyang pagbibida sa pelikula ay sa isang international film pa, at magkakaroon pa ng international release.

Nang tanungin si Garie kung anong pakiramdam na bida na siya sa pelikula, ang sagot niya, “Nakakakaba. I studied the role, ayaw kong mapahiya sa kanila!”

Nag-audition si Gary sa kanyang role at sinuwerte na siya ang napili. Isang monologue tungkol sa pag-ibig ang audition piece niya.

All praises naman si Ruben kay Garie. Sabi niya sa dalaga,” She is professional, magaan katrabaho, at mahusay!”

Samantala, dumalo ang boyfriend ni Garie na si Michael Pangilinan sa premiere night ng “The Lease.” Ang pagdalo ni Michael ay nagpapatunay lang na walang katotohanan ang napabalita na hiwalay na sila ni Garie.

“Okey kami. Kasi kung hindi, wala sana siya rito.”

Kelan ba nila planong magpakasal ni Michael?

“Malayo pa,” natatawang sagot ni Garie.

“Basta ang mahalaga, smooth sailing ang relasyon namin, na okey kami.”

Ang “The Lease” ay mula sa direksyon ng Italian director na si Paolo Bertola. Showing na ang pelikula simula sa July 25.

Leave a comment