
First BG horror movie showcases beauty of Dumaguete
Matutupad na rin ang pangarap ni Ms. Baby Go ng BG Productions International na gumawa ng horror film, dahil ang susunod na pelikulang gagawin niya ay isang horror, na may working title na “Hipnotismo.”
Bida sa pelikula sina Beauty Gonzalez at Enzo Pineda, mula sa direksyon ni Joey Romero.
Kasama sa pelikula si Polo Ravales na gaganap bilang kontrabida.
Ayon kay Polo, nang makausap namin sa story conference ng nasabing pelikula, natutuwa siya na muli siyang gagawa ng pelikula mula sa nasabing movie outfit.
“I’m so thankful na nakasama ako sa project and ito ‘yung second movie ko under BG Productions. The first was Balatkayo with Aiko Melendez, so kami yung magka-partner noon and we shot it in Dubai. So ito ‘yung second film ko sa kanila and I’m so happy and thankful na isinama ako for this project,” sabi ni Polo.
Patuloy niya, “Well, I’m so happy na gumagawa ako ng mga roles na tulad ng ganito. Siyempre ‘di naman forever na alam mo ‘yun, parati kang lead or parati kang good boy sa isang show. So, siyempre when you mature and grow old, nag-iiba ‘yung mga roles na ibinibigay sa ‘yo. And I’m very happy and thankful na dumating ako sa point ng career ko na you know, I get to do character roles lalo na ‘yung mga ganito, you know, villains.”
Ayon naman kay Ms. Baby, naniniwala siyang ito ang tamang formula para tangkilikin ng lahat, pati na ng millennials.
Ipinahayag pa niya, kung gaano niya kamahal ang paggawa ng pelikula.
“Passion ko na talaga ang pagprodyus ng pelikula. Hindi mawawala sa sistema ko ang paggawa ng pelikula sa aking kompanya. Matagal ko nang pangarap ang makapagprodyus ng horror film at nakakatuwa na sa Dumaguete, kung saan ako ipinanganak at lumaki ang location ng shooting nito. I-explore sa movie ang kagandahan ng Dumaguete,” sabi niya.