May 23, 2025
First ever hologram technology-driven concert airs on GMA 7
T.V.

First ever hologram technology-driven concert airs on GMA 7

Feb 13, 2015

Antazo PSR pic
by Mary Rose G. Antazo

5Pinakaunang hologram concert sa Pinas, mapapanood sa SNBO ng GMA.

Ngayong Pebrero 15, matutunghayan na ng mga Kapuso viewers ang pinakaunang major solo concert ng Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose sa Sunday Night Box Office (SNBO).

Sa concert na pinamagatang ‘Hologram’, na ginanap sa SM Mall of Asia Arena noong Disyembre, ipinamlas ng multi-platinum recording artist na si Julie Anne ang kanyang galing sa pagsayaw, madamdaming pag-awit, at sabay-sabay na pagtugtog sa iba’t ibang mga instrumento gamit ang hologram technology.

Ibinirit niya ang ilan sa mga paborito niyang foreign songs, maging ang mga pinasikat niyang kanta kasama ang ilan sa mga tinitingalang mang-aawit sa bansa na sina Christian Bautista, Abra, Sam Concepcion, Frencheska Farr at Jonalyn Viray.

21

Saksihan ang pinakaunang hologram concert sa Pilipinas ngayong Linggo sa SNBO, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA.

Follow me…

social networkingMary Rose G. Antazo
@maryroseantazo
/balot9

Leave a comment

Leave a Reply